Tuesday, November 8, 2016

POEM

How I long When You Came?
By Jan Kevin T. Mendoza

Life can't be just simple as chicks
We can't deny huge wave sometimes really hits
Just like how I long to my elder
Premonition of we never see each other

Born with the skin differently
How different we're used to be?
Crazy and moody; that is you are described
And what made me love you, is we are both scribe

But these longs and mourning are paid
My heart makes thrilled when 'Bunso' is heard
I know while you are reading this;
You know, you are who am I pointing is

Physical comeliness and skin like dove
You make my everyday life filled with love
It really fulfills my day and night
Yes my love, can I hug you so tight?

Continously giving thanks to God
For the love you gave I never had
You know, I so much cry when I write this
Please give me peace; can I have your kiss?

I love you and I hope you love me too
But we can't be. That's the true
A mountainous mile apart from each
Soon I'll get hug you how I wish

Long distance? How heartless life is
But this isn't matter, I'll wait you til' peace
Whenever we talk and you speak, you know I get nervous
Because I'm getting deeply inloved with all your purpose

How I longed when you came?
I extremely love you, there's no the same
Though we can't feel and hug each other

I promised, I will still love you so deeper

Wednesday, September 7, 2016

Dagli

Ang Dagling ito ay pawang kalokohan lamang. Hahaha! Takdang aralin lamang sa aming Filipino10 class, kaya ko ito nagawa. Hindi ito hango sa totoong buhay :P

Gantimbayad na Sorpresa!
Ni Jan Kevin T. Mendoza

Magandang araw. Laki ako sa mayaman pero magulong pamilya. Hindi ako nakapagtapos nang pag-aaral dahil loko-loko at wala akong paki dito. Maagang dumating ang panahong kailangang magbanat ng buto sa araw-araw. Oo sobrang bata ko pa nga para magkaroon ng pamilya.
Sa tuwing Sabado na pag uwi ko galing trabaho, bitbit ko ang pasalubong para sa’king mga anak. Lubos ang kanilang galak dahil sa munting sorpresa kong ito.
Ginagawa ko ito kahit na hindi sapat ang kita. Dahil alam kong ito lamang ang magpapasaya sa kanila at nais kong hindi nila maramdamang iba sila sa mga batang nakakasalamuha nila. Ayaw kong maramdaman nilang mahirap lang kami.
Isang araw, may isang kaibigan ang nag alok sa akin ng trabaho abroad. Malaki daw ang sahod kaya’t hindi na’ko nagdalawang isip. Siyempre sinunggaban ko agad ang biyayang ito. Ayaw man ng aking mga anak eh kailangang tiisin upang masuntentuhan ko sila. Upang maipag patuloy ko ang sorpresang inaabangan nila tuwing Sabado.
Makalipas ang dalawang taong pamamalagi at pagtatrabaho sa Iran, dumating narin ang araw na makikita kong muli ang aking asawa at mga anak. Sobrang excited ako siyempre. Nakaipon narin ako nang pera na makakatulong sa pang-araw-araw namin.
Hindi ko sinabi na uuwi na ako. Gusto ko kasi silang magulat na lamang. Magulat na muli na kaming magkakasama at tapos na ang dalawang taong kalbaryo. Gusto ko silang sorpresahin muli.
Sobrang excited ako. Bitbit ang mga pasalubong at laruan para sa aking mag-iina, binulabog ko ang himbing na tulog nila.
Ang madaling araw ay napuno nang malalakas at masasayang tawanan. Ang dami nilang kwento. Ang daming kwento nang aking mga anak. Gayun din naman ako. Sobra talaga naming na-missed ang isa’t isa.
Isa sa mga kwentong ito ang malaman kong patay na ang aming ilaw ng tahanan. Kaya pala wala siya sa bahay. Halos mabingi ako nang malaman ko ‘to. Hindi ko alam kung ano’ng magiging reaksyon ko kung matutuwa ba magagalit, o maiinis. Sa pag-uwi ko galing abroad, ako pala ang masosorpresa. Pero wala na nga akong magagawa. Patay na siya. Patay na ang aking ina. Ang ina kong sumira ng aking pagkabata.


Sana’y maging matatag ka parin, aking kaibigan sa kabila ng matinding agos, alab, dampi at dagok ng buhay mo.

Talumpati: Tugon ng Kabataan sa Isyu ng Lipunan

Kasibulan Para sa Hinaharap: Simulan na, Sabay Kana!
Ni Jan Kevin T. Mendoza
Sa panahon ngayon, matunog ang mga salitang kung hindi ka marunong sumabay, maiiwanan ka talaga. Kaugnay nito, maraming kapwa Pilipino na ang napag iwanan ng panahon. Sa madaling salita, sila’y nalugmok sa kahirapan.
“Ang buhay ay kakambal na nang kahirapan” Ika nga ni Buddha. Ito’y isang bagay na walang sino man ang makatatakas. Kahit anong iwas ang gawin mo dito, kahit magtago ka pa ilalim ng lamesa, kama o saan mang sulok ng bahay mo. Diskarte mo nalang kung magawa mo ito. Ang kahirapan ay talagang parte na ng buhay ng bawat isa.
Tunay na ang bawat problema ay may katumbas na solusyon. Hindi natin maitatanggi na mula pagkabata ay kintal na ito sa ating isipan. Kintal sa isipan hanggang sa ngayon. Sa mga salita kong ito, nais ko lamang ipabatid na ang kahirapan ay may solusyon. Ngunit ito ba ay lubos na naiintindihan ng bawat isa?
 Patunay dito ang mga taong nauudyok na gumawa ng bagay taliwas sa nararapat, sa batas. Kahirapan katumbas ng pagsisinungaling. Kahirapan katumbas ng pagnanakaw. At kahirapan katumbas ng pagpatay.
Masakit isipin na dahil sa kahirapan, maraming indibidwal and natutuksong kumapit sa patalim. Malaking bahagdan ng tao ang natutuksong gumawa ng masama. Ang katotohanang ito na aking nasaksihan ay isang bagay na nagpapatunay, hindi natin kayang solusyunan ang ating problema.
Kailan man, hindi naging masama ang pagiging dukha, ang masama ay kung mamamatay ka paring dukha. Sabi nga ng aming guro noong ako’y nasa baitang pito. Kaugnay nito, ang kahirapan ay isang bagay na hindi dapat isisi sa kung sino man. Dahil ito’y maaaring sanhi ng kawalan mo ang pagsisikap. Kawalan mo ng determinasyon. At kawalan mo ng pangarap na makaahon sa nakalulungkot na sitwasyong ito.
Ako bilang kasibulan, lubos na naghahangad ng pagbabago sa ating lipunan. Hindi lamang ako kundi ikaw, tayong lahat ay may responsibilidad. Responsibilidad na gawin ang tama, magsikap, at maging determinado.
Kung may magagawa ka, simulan na! Kumilos tayo sa pag-iisip ng mabuti at may katwiran. Marapating mamuhay ng may dangal. Huwag lamang hayaang manaig ang takot na harapin ang hamon sa buhay dahil ito’y hindi mawawakasan kung ito’y tatalikuran.

Huwag tayong magbulag-bulagan sa mga nagaganap. Sa bawat tiklop ng kalendaryo, sabay-sabay nating buksan ang ating mata dahil tayo, edukadong kabataan ang pag-asa ng hinaharap.

Bombarded Into Better Person

Life is like an unknown journey. You don’t know where it will lead; you don’t know when it will end. But one thing that is for sure, it would really wrestle you so hard.
 I myself honestly am bursting with pride. I don’t want to be corrected. Whenever people see and confront my wrong deeds, I feel bad and annoyed. I hate it, so much. I feel like I’m complicated mixture of all malfeasances. I don’t understand that corrections will make me better. It will really make me ascertained. I never thought of it. But once I wonder. Someone made correct my wrong. I accepted it openheartedly. There had been no wrong actually I am so happy that I knew what the correct one was.

 That is life. So cruel and complicated. But it is still upon you if you will be wise enough to face these, if you’re going to analyze everything that you perceived wrong at first, if you’re going to line yourself in the summit of proficiency.

Monday, May 2, 2016

#Du30

People have their own perceptions. If you have one, I have my own too.
I knew that I am not yet in the right age to have a part with these things, still I do care because whoever the president will be, basically I’ll be under his administration and It’s for our, my fellow young Filipino citizens’ future so we have to be aware and have a part on what’s happening.
Just I think the next administration should focus on putting discipline in every Filipino citizen. If I would be given the chance to vote, I’ll go for DUTERTE.
We can see that crimes were so relevant anytime and anywhere, and law violators who were having no fear to the law because the law itself is not that sharp for the people to be feared off.
But with this lionhearted man, I can see the spirit of braveness in his heart that can really put discipline in every Filipino citizen. #Du30

Nostalgic

DSPC 2015
                                  
I really don’t know what’s happening to me these past days. Since we got vacation, I just can’t feel the spirit of somnolence which attacks every night at 11pm to me.
I am not able to sleep at night. Sleeping at 6am and waking up at 4pm were my everyday routines.  And I wanna change this cycle. But how can I? I don’t really know how and what to do.
I don’t have something to spend my time with. All I could do is to employ my time using computer and I hate this routine, so much. I think that’s the reason why I feel so bored.
This summer, I’d like to explore things, travel anywhere, and spend my time with the useful yet remarkable as well things.
But despite of achieving these, still the desire to go back to school is telling reaction.  I’d want to wear my school uniforms again, meet my friends especially the”Musketeers #MVRsquared”,

All I know, is just I wanna go back to school and stress myself to the school works. Edit films, do homeworks, commit to the consecutive rigorous undertakings/projects. I really missed these things T-T I really feel the nostalgia to return in that thought.

Friday, April 29, 2016

Tatak sa puso't isipan

 Isang taon na ang nakalipas. Kung tutuusin ay napakatagal na nito pero bakit sa isip ko'y hindi ka mawaglit? Sabi nila, Time can heal. Pero bakit habang tumatagal eh lalo akong nasasaktan? Sa pag aala-ala nang mga panahong, araw-araw eh kukumustahin mo 'ko, kekwentuhan mo ako ng mga pangyayari sa buhay mo, tuturuan mo ako sa Math, at sa pag aala-ala noong panahong close na close tayo, lalo kong nararamdaman 'yung sakit. Sakit na nabago ang lahat. Alam kong wala akong karapatang maramdaman 'to dahil isa mo lang naman akong kaibigan. Pagkakaibigan na isang araw ay nilimot mo. Pagkakaibigan na binalewala mo. Isang taon na nga ang nakalipas nang huli tayong mag-usap. Pag-uusap na tila daig pa ang magkasintahan sa tamis at saya. Pag-uusap na isang araw eh nauwi sa dedmahan. Nakakalungkot. Nakakalungkot nga na kinalimutan mo na ako, siguro'y nakahanap kana ng bago mong kabigan. Kaibigan na mas higit sa akin. Kaibigan na sa palagay ko'y mas magbibigay sa'yo ng saya. Napakasaya ko noong nakilala kita. Isang matalino, pamoso, at tinitingala ng maraming tao. Tunay nga na napakaswerte ko dahil nakilala kita. Naging kapatid, tagapayo, at matalik na kaibigan. Gigising sa umagang ikaw ang laman ng isip. Matutulog sa gabing iniisip na ikaw ay babalik. Patuloy ko ngang dalangin na ika'y bumalik at pakawalan ang aking nakulong sa kasiyahan sa loob ng isang taon nang iyong paglisan. Biglang paglisan na sumira sa ating pagsasamahan. Pagsasamahan na akala ko noo'y pang habambuhay. Napatunayan kong wala talagang forever. People change. People leave, and people forget. Nakadidismaya na ikaw ang nagpatunay at nagparamdam sa akin ng mga salitang ito. Isang araw ika'y aking kinamusta. Laging gulat ko at ako'y hindi mo binigyan pansin. Kinalimutan mo na nga talaga ako. Kinalimutan ang mga bagay na ating napagsamahan at napagdaanan. Nalulungkot ako na napakadali sa'yong kalimutan ang lahat. Sabi nga, kung ang isang bagay ay wala nang halaga, itapon mo na. Napagtanto ko na, na ako'y walang nang halaga sa'yo. Halaga na dati'y minu-minutong pinaparamdam mo. Ngunit nagbago ka na nga. Nawa'y masaya ka ngayon kung nasaan ka man, at sana'y malaman mo na naandito ka parin, nakatatak sa aking puso't isipan.

Tuesday, April 26, 2016

Poem #3

Mabilis. Napakabilis nga ng panahon. Sa sobrang daming pinagkaka-abalahan eh marahil hindi ko na nga napapansin ang bawat takbo ng oras. Hindi ko talaga lubos maisip ito, parang kalian lang nang ako’y unang tumuntong sa high school, grade 7 ako noon at walang kamuwang muwang sa mga nangyayari. Ngayon eh grade 10 na ako sa pasukan na hindi ko talaga lubos mapaniwalaan, kaya naman naisipan kong gumawa ng isang tula. Isang simpleng tula na hindi ko alam kung may patutunguhan, pero sige lang dahil nagiging masaya ako dito. Ito’y pinamagatan kong “A Mind Filled With Uncertainty”

A Mind Filled With Uncertainty
By Jan Kevin T. Mendoza

It's been three years
Amusements, laughers and tears
Truly, season changes so fast
Is this for real or for last?

Naive and innocent when I entered this home
I really can't deny, at first I'm alone
6 hrs of filling knowledge
'I will do my best!' was my always pledge

Grade seven, eight and nine
I had just cultivated these so fine
How is this all happen?
I can't imagine these changes in sudden

I am now to step the next and last round
Last ten months in this home to turn around
Grade 10 quite sounds so hard
But I will do my best to get a priceless card

It's been three years and still wondering
Winter, summer, fall and spring
How all these happened? So witty

Now, my mind is filled with uncertainty

Poem #2

Why to Come?
By Jan Kevin T. Mendoza

I live in the world of happiness
Silent and mute but noisy with friends
Whenever we walk a mile
Still always dressed with a smile

One moment you got my eyes
I really can't deny, my blood rise
Truly, you are brilliant
Now, knowing you is just I want

We talk, we walk and eat together
All these proved I'm only a dreamer
Dreamer of things impossible to attain
Desire to have you takes eating a billion grain

Night and day, dawn and noon
I always pray I will have you, soon
Peace is now missing in my vocabulary
Since you entered, I always feel weary

 I admit, you're in my heart, always kept
But I think this strong affection can't really help
Yes I want but I don't need you

Loving you can only make ruin my future too

Thursday, March 24, 2016

"Best in Film Editing"




Hard work really does pay off. We, group 3 got the “Pinakamahusay sa Pagpuputol” or Best in Film Editing through my supervision.  In line with this, the life of Elias, one of the main characters in Noli Me Tangere of Jose P. Rizal was filmed.
Upon receiving this, it really freed the mirthfulness caged of ours due to the heavy works of making this film. So, I’m very happy for the hard works of our group was returned through this simple award.
 But what matters most are the lessons we got from making this project. We learned the word unity, we drew deeper intimacy with each other and we had experience the life of being an artists.

Ruler of Mine

Ruler of Mine
By Jan Kevin T. Mendoza

Like a rose, trampled on the ground
My existing is as thing that is no longer worthy
The feeling of unwanted through my involvement
I feel like I’m complicated mixture of all malfeasances

“I will never put myself in a box”
Phrase always inculcated in my thinker
Just can’t layover limiting myself
Turned me out to be weaker

How to think out of the box?
I am not an open-hearted carrying the aftermath
Being without instrumental accompaniment
Why to cling and abide in my existence?

One day your eyes fell in my heart
It really freed the mirthfulness caged of mine
Where to go, what to do?
I had been deaf through the beats of my dinning heart

Stalking, should this enough what to call?
My gratitude to social medias
With these I can know you more
Provided your portraits, I loved you times to four

You are everyday awaited by my tantalized eyes
Just to seeing your physical comeliness
Pulchritude, which my perception can describe
Append your intelligence and brilliance, picture-perfect

The anticipated moment, we’ll talk
Came and made I can’t just walk
You displayed your smile and genuinely built my felicity
I was mesmerized through your jaw-dropping beauty

 The desire to have you utterly burdened me
Every night I think that you and I will be
But how my fantasy will transpire?
We are quietly distant, you’re in ice and I’m in fire

Multitude will be my foe and rival just to get you
Whether to fight or stop the incapable appetency
I want to cry out loud and let you hear my resentments
Will it capture your heart or just neglect my statements?

A dawn I woke up and had just accepted the fact
The fact that explains we are not really capable
My heart entered the tribulation
I can hide it but have nothing to stop the affliction

Now I moved on but still your number one fan
Your lovely and magnificent image, you’re really my the one
A breathtaking intelligence, made my heart missed a beat
Like I can’t just stop watching you at my seat

I thought my life is just a rose whose tend to be rotten
But you came, the change in my life made happen
Inspiration is now infused in all my undertaking
With you I feel like I can do everything

A billion thanks for your existence
I will be eternally keeper an image of your presence
You ruled my life to take the right path
I love you the one I will cling my life at


Sunday, March 20, 2016

Sabado at Linggo (Marso 19-20, 2016)

Sabado. Napagdesisyunan kong matulog maghapon. Wala naman akong gagawin ng araw na ito, walang mga takdang aralin, mga proyekto kaya’t nabuo ang desisyong ito. Nakatutuwang isipin na kahit wala naman akong ginawa maghapon ay tila pagal ang aking katawan.
Gumising ako ng alas nuwebe ng umaga, kumain, naligo at natulog ulit ng alas dose ng tanghali. Nagising ako nang magaalas-sais ng gabi.
Nakakaantok talaga! Nakapanghihinayang rin dahil wala man lang akong nagawang mabuti at mahalaga nang araw na ‘to. Pero okay na rin, at least ay nakapagpahinga rin ako sa fully sched na nakaraang mga araw.
Linggo. Wala nang bago. Natulog lang ulit ako maghapon nito. Hindi ko alam kung bakit ‘tila tamad na tamad talaga ako ng araw na ‘to. Pero sige, masaya naman matulog.
Gabi na rin nang magising ako, agad kong binuksan ang computer upang  i-check ang social medias ko na siyang tila buhay ko na, siguro nga kung wala sila eh hindi ko na kayang mabuhay sa mundo ibabaw. Pero biro lang syempre.
Pagkatapos ko mag-aliw sa paggamit nito ay naglaba muna ako ng uniform ko upang may magamit ako kinabukasan sa pagpasok.
Naghugas ng pinggan at naglinis ng bahay kahit na gabi. May mabuti naman pala akong nagawa. HAHAHAHA. Okay na ‘yun, mabait parin ako.


Dahil gabi na, matutulog na ako ^_^

Saturday, March 19, 2016

Letter to the teacher

Hindi ko alam kung sapat na ang salitang “SALAMAT PO!” sa aming guro sa Filipino 9 na siyang tumayo bilang isa sa mga ikalawa naming guro, nagturo sa aming sa loob ng sampung buwan ng buong puso, nagbigay ng mga aral hindi lamang sa asignatura pati na rin sa realidad ng buhay.
Ang Filipino ay isa sa pinaka mahirap na asignatura, patunay na siguro ang pagiging kabilang nito sa major subjects. Dahil nga ito ay isa sa mga ayaw kong asignatura, inaamin ko naman na hindi naman ako naging isang mabuting estudyante sa ilalim ng pag-aaral dito. Kaya’t laking pasalamat ko sa aming guro sa kanyang alang sawang pagturo sa amin.


 Kaugnay ng mga ito, kahit na nahirapan ako dito, naging masaya parin at memorable ang Filipino 9 dahil sa mga aktibidades na aming ginawa sa ilalim ng pamumuno ng aming mabait, makwela, maintindihin, maunawain, at magandang guro.

Wednesday, March 16, 2016

Ang nakuha ko sa buong taong talakayan

Sa dami ng aking natutunan ay isang pangungusap lamang ang aking masasabi kaugnay dito. “Ang pagbabasa ay napakahalaga”
Sa buong taon na aking pag-aaral sa Filipino ay napagtanto ko kung gaano kahalaga ang pagbabasa. Dahil para sa akin, pagbabasa at paghasa pangunawa naman talaga ang pangunahing layunin ng asignaturang ito.
Sa araw-araw na pakikinig ko sa aming guro ay hindi ko ganoon naiintindihan ang isang aralin kung buong talakayan lamang ako makikinig. Napatunayan ko ito sa mga panahon na nagbabasa ako ng isang aralin bago pa man ituro ng aming guro na siyang nakatutulong upang mas madali kong maintindihan ang pag-unawa sa isang aralin. Kaugnay nito, hindi ko naman lubos maunawaan ang tinatalakay ng aming guro kung ito’y hindi ko nabasa.

Patunay ito na napakahalaga talaga ng pagbabasa. Ang Filipino ay napakahalaga, ang pag-aaral nito’y tunay na nagbibigay-aral dahil sa mga nakukuhang impormasyon na maaaring magamit sa buhay. Ang tanging kailangan mo lamng ay mahalin ito at magbigay ng katiyagaan sa pagbabasa na siyang ayaw rin ng nakararami.

Karanasan sa asignaturang Filipino

Sa totoo lang, ang asignaturang Filipino ay isa sa pinaka ayaw ko. Ang pag-aaral ng mga nobela ang siyang dahilan kung bakit. Nakakatamad dahil ang pagbabasa ay ang pinaka ayokong ginagawa. Siguro’y mas pipiliin ko pang magsulat kaysa magbasa.
Unang markahan. Nagawa ko namang maitawid ang pag-aaral sa mga aralin na kabilang dito.  Sa tulong ng aming makwelang guro ay kahit papaano ay unti-unti kong nagugustuhan ang asignaturang ito.
Ikalawang markahan. Dito na yata nagsisimula ang pagka-ayaw ko sa asignatura. Puro kwento ang aming tinatalakay at sabi ko nga, hindi ko hilig ang pagbabasa. Ito siguro ang dahilan kung bakit ayaw ko ang Filipino.
Ikatlong markahan. Naging masaya ito. Una ay dahil mataas ang nakuha kong marka kahit na hindi ko maibigay ang pagmamahal at pagpupunyagi sa asignaturang ito. Katulong an gaming mahusay na guro, naging mas madali ang pag intindi ko sa mga aralin na ayaw ko kaya kahit papaano nagustuhn ko parin ito.
Ikaapat na markahan. Ito ang pinaka stressed na markahan kung saan Noli Me Tangere ang aming aralin. Pagbabasa na naman ang kailangan dito. Tuluyan ko na ngang inayawan ang asignaturang ito. Kaugnay ng markahang ito ang paggawa ng film na siyang naging dahilan ng pagka-stressed ko. Wala naman akong masisi dahil kami rin, mga estudyante ang may kasalanan kung bakit kami nagagahol sa paggawa nito. Pero pasalamat parin at natapos kami sa tamang oras.

Dahil kaaway ko nga ang pagbabasa, hindi ko naman hahayaan na habang buhay na lamang ito. Paunti-unti ay pipilitin kong gustuhin ito. Sabi nga ay ito ang pinaka mahalaga dahil nagkakaroon ka ng maraming kaalaman. Hindi ko rin sinasabi na hindi importante ang Filipino dahil hindi ko nagawang mahalin ito, talagang hindi lang pabor ang kakayahan ko sa asignaturang ito.

Tuesday, March 8, 2016

“A leader must be versatile.”

Walang trabaho ang mahirap kung mahal mo ang iyong ginagawa. Ang pagiging isang namumuno ay napakabigat na trabaho lalo pa kung napakalaking grupo ang iyong pinamumunuan.
Simbuyo ng damdamin at kakayahan ang dapat taglayin kung gusto mong maging isang mabuting lider.
Nakatutuwang isipin na kahit ang isang bata o nag-aaral pa lamang ay maaari nang maging isang lider. Patunay ang mga organisasyong pinamumunuan ng bawat estudyante sa iba’t ibang paaralan.
Ang Supreme Student Government (SSG) ay isang pinaka mataas na government body sa Mambugan National High School. Layunin nitong pamunuan ang lahat ng mag-aaral sa paaralan.
Ang pagiging kabahagi ng pamunuang ito ay napaka bigat na responsibilidad. Pagiging mabuting halimbawa na dapat ipakita sa bawat kilos ang isa sa mga ito.
Hindi ka maaaring gumawa ng mga bagay na ikasisira ng iyong pangalan dahil ikaw ay lider na siyang dapat na maging modelo ng marami.
Eleksiyon na naman. Kanya-kanyang plataporma ang inihahain ng bawat partido upang sila’y iboto.
Hindi mo na nga alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo. Sa simula lang naman ang pangakong ito, kapag nahalal na ay ipinagwawalang bahala na lamang ang mga pangakong binitawan. Ika nga, “Promises are meant to be broken”
Araw ng kampanya. Kanya-kanyang pakulo ang bawat estudyanteng tumatakbo sa iba’t ibang posisyon.
Base sa aking nakita, nakalulungkot isipin na kampanya pa lamang ay hindi mo na makikita ang katangian ng pagiging isang lider sa kanilang mga tindig.
Sa kanilang mga pakulo, walang kaugnayan ang mga ginagawa nila sa magandang pamumuno.
Araw nga ng kanilang kampanya ay mayroon akong nakitang nakasuot ng mataas na takong sa halip na ang suot ay itim na sapatos, sa isang partido.
Kaya noong araw ng Press Conference, at ako bilang isang manunulat ng paaralan, hindi ko pinalampas na ibato ang kahihiyang ito sa kanila.
“How assured are you that your rules and regulations particularly the proper attire of students, will be followed by the students religiously if you running SSG’s weren’t able initiating your own rule? ‘Cause based on students in one class that you have conducted your campaign, they saw a guy wearing high heels instead of wearing black shoes.”
Ito ang tanong na ibinato ko sa kanila na siyang ikinagulat nang lahat at kanilang itong hindi nasagot.
Patunay ito na hindi lahat ng tumatakbo upang mamuno ay karapat-dapat. Simpleng tanong pa nga lamang ay kanila nang hindi masagot na bumali sa kasabihang “A leader must be versatile.”

‘Yung iba eh pafamous lang kaya gustong tumakbo bilang isang lider. Kaya patuloy kong hiling ay mahalal ang mga karapat-dapat, mamuno ang dapat mamuno na kayang ibigay ang buong puso at maging isang mabuting halimbawa sa bawat mag-aaral kung sino man ang mahahalal.

Saturday, February 27, 2016

Sabado at Linggo (Pebrero 27-28, 2016)

Kahit na pagod at puyat, dahil sa Field demonstration kahapon, pinilit ko parin bumangon upang maghanda sa pagpunta na Technological Institute of the Phillippines (TIP) sa Quezon City. Mayroong gaganaping workshop patungkol sa Google Sketch Up at Webpage Making.
Kasama ko ang aking piling kamag-aral at iba pa sa baitang sampu. Naging masaya naman ang araw na ito na sa dami ng aming natutunan at na-experience.
Ito ang aking unang beses na makatuntong sa lugar na ito, at lubos naman akong namangha sa mga pasilidad dito. Kumbaga eh kumpleto sila sa lahat, ang gagawin mo na lamang ay gamitin ang mga ito. Tunay na worth it yung medyo may kamahalan na tuition fee dahil hindi kayo mamomroblema sa mga kagamitan. ‘Di tulad ng ibang College Universities.
Baka nga dahil sa mga nasilayan at nalaman ko, ay dito na ako mag-aral ng kolehiyo. Nalaman ko na ang paaralang ito ay kabahagi pala sa ABET o ‘yung kunwari ay naka graduate ka bilang isang Computer Engineer, pagdating mo sa ibang bansa ay hindi ka lang isang dihamak na technician, ito aprin ang trabahong ibibigay sa iyo. Napakaganda talaga.
Pero balik tayo sa workshop. Nakakalungkot dahil hindi man lamang pinalad na makasama sa mga nanalo ang design na aking ginawa sa Google sketch up. Pero, kahit na ganoon, mas mahalaga parin ‘yung mga natutunan ko.
Kaugnay nito, napasama naman sa mga parangal ang design ni Jemer Tuberon, aking kamag aral at Jhomar Catuiza, baitang sampu para sa webpage design.
Okay na rin ‘yun dahil sa lahat ng paaralan sa Antipolo City ay mayroong naiuwi ang aming paaralan.
Workshop lang naman ito eh, hindi naman kompetisyon kaya ayos lang kahit hindi nanalo. Naging masaya naman.
Gabi narin nang kami’y makauwi. Sa aking pagod, dumeretso ako sa kuwarto upang ihimlay ang pagod na katawan sa kama.
Alas-nuwebe ng umaga, Linggo ako nagising. Laking pasalamat ko at nakabawi ako ng tulog dahil sa sunod-sunod na puyat dahil samga gawaing pampaaralan.
At as usual, Linggo, gawaan muna ng mga nakatakdang tapusin na mga proyekto. Upang sa pagpasok kinabukasan, Lunes, ay handa ako.

Field Demonstration 2016


Sa lahat ng laban, walang mananalo kung walang talo. At hindi sa lahat ng oras, nasa ibabaw tayo. Sabi nga nila, umiikot ang mundo. Pero sa likod ng mga ito, dapat ay lagi tayong handa kung ano pa man ang maging resulta ng ating laban.
Nito lamang nakaraang biyernes, Pebrero 26, 2016, ginanap sa aming paaralan, ang Mambugan National High School, ang Field Demonstration.
Para sa baitang sampu, Hiphop ang sayaw na dapat nilang ipamalas, social dance para sa baitang siyam, cultural dance para sa baitang walo, at excercise para sa baitang pito.
Ilang linggo bago ganapin ang nasabing kompetisyon, ay puspusang naghahanda ang aming pangkat, na nabibilang sa baitang siyam kung saan ay dapat naming ipamalas ang aming natatagong mga talento sa pagsayaw ng social dance. ‘Marry Me’ ni Jayson Derullo ang napagkasunduang kanta na aming sasayawin.
Sa pangunguna ni Frances Aranjuez at Jackielyn Bonganay, aking kamag-aral, halos araw-araw kaming nagsasanay at naghahanda para sa kompetisyon.
Sa una pa lamang ay malaki na ang aming paniniwala na maiuuwi namin ang korona dahil sa ganda ng choreography ng aming sayaw at dahil kami ang nasa pinaka unang pangkat ay marahil nasa amin ang mata ng mga hurado.
Kasama ang pangkat, Cebu, Eastern Samar, Florida Blanca at kami pangkat Antipolo, handa nang sumabak sa laban sa iba’t ibang pangkat sa baitang siyam.
Ilang oras bago simulan ang labanan sa pagitan ng mga grupo sa baitang siyam, kanya kanya lagay ng kolorete sa katawan ang bawat isa. Hairspray na kulay-rosas at banderitas ang napili para sa aming props.
At dumating na nga ang oras na pinaka hihintay ng bawat isa, ang maihandog ang nabuo naming sayaw. Naging maayos naman ang pag-eexecute ng sayaw, kahit na mayroong iilan-ilan sa amin na nakalimutan ang mga susunod na hakbang na siya namang hindi talaga maiiwasan.
Nang matapos ang iba’t ibang grupo ng ika-siyam na baitang maipamalas ang mga natatanging talento sa pagsayaw ay lubos kaming nadismaya dahil sa punong puno sila ng props sa katawan. At kami na kulay sa buhok lamang ang kolorete sa katawan ay hindi pa raw naging visible sa paningin ng mga manonood dahil umaga ito ginanap at hindi pa sikat ang araw.
Tinawag ang nagkamit ng ika-talo at dalawang puwesto. Aba wala kami doon, marahil ay kami nga ang nanalo, dahil base sa aming pananaw sa aming napanood, hindi naman ganoon kaganda ang choreography ng ibang pangkat at ang iba pa nga ay hindi na social dance ang ipinakita dahil sa paggamit nila ng remixed na kanta.
Kinakabahan ang bawat isa dahil dalawang grupo na lamang ang hindi natatawag, isa na doon ang aming pangkat.
Hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa na makuha ang tropeyo ng pagkapanalo. Hanggang sa tanghaling kampeon ang isa naming kalaban.
Nakalulungkot ang nangyari, lahat kami ay nadismaya sa resulta ng kompetisyon. Dahil sa apat na magkakatunggali, ay kami ang pang apat. Nakakahiya lamang dahil kami pa naman ang nasa pilot section, dapat kami ay competitive.
Marahil ay bumagsak kami sa props, ito pa naman ay 20% ang laking hatak sa amin pababa.
Hanggang ngayon ay hindi parin namin matanggap ang nangyari. Nakakahiya talaga. Pero naging masaya parin kami dahil marami kaming napasaya at naging aral na rin ito sa amin.
Kami ay baitang siyam pa lang naman, may susunod na taon pa. Aming mas pagbubutihan at paghahandaan ang susunod na mga laban.

Choreography is quite prominent to the props~

-JanKevin T. Mendoza

Wednesday, February 24, 2016

EDSA

Photo credits: en.wikipedia.org
Bilang mag-aarala sa ika-siyam na baitang, matutunan ko na kung ano nga ba ang EDSA People Power Revolution.
Basically, ang akronimo ng EDSA ay Efipanio delo Santos Avenue, isang kalsada sa kalakhan ng Maynila.
Ito ay ang himagsikan ng lakas ng bayan na tinatawag ding EDSA rebolusyon 1986.  Ito ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napatay si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito--mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa KALAKHANG MAYNILA. 






Pagkabata

Tunay nga na walang permanente dito sa mundo. Mayroong mga mayaman na sa kalaunay naghihirap. Mayroong mga pinapalad na makatikim ng gintong kutsara. Mayroong mga mapapayat na dati’y tila elepante sa katabaan.
Palaro-laro lamang, walang iniisip, walang problema. Napaka saya talagang maging isang walang muwang. Ika nga “Nothing’s permanent in this world” Marahil naging masaya ka sa pagkabata, marahil hindi. Ngunit napaka bilis lamang ng takbo ng panahon. ‘Yung bang isang araw ay gigising ka na lamang na iba na ang takbo ng buhay.
Photo Credits: Globalnation.inquirer.net
Nakakalungkot nga lang na dahil sa salitang ‘walang permanente’ ay may mga bagay na mawawala na lamang bigla na ‘di sang ayon sa kagustuhan mo. Dahil sa salitang ito, nabuhay ang pandiwang ‘nostalgic’ sa ingles o ‘yung pakiramdam na gusto mong balikan lahat ng mga masasayang bagay na nangyari sa buhay mo.
Bilang isang mayroon nang parte sa mundo o okupado ang pananaw sa realidad ng buhay, mayroon din tayong gustong balikang mga ala-ala o gawain na siyang magpapatalon ng ating mga puso sa galak.
Ako bilang nasa ika-siyam na baitang na at mayroon nang kaalaman sa takbo ng buhay, nais ko rin balikan ang paglalaro ng mga larong kalye tulad ng ‘patintero’, ‘tumbang preso’, ‘batuhang bata’, ‘yung bang uuwi ako nang aming tahanan na duguan ang binti dahil sa sugat na nakuha sa pagkadapa sa paglalaro ngunit kalakip naman nito ang galak at memoryang tatatak sa aking puso’t isipan na ako’y masuwerte dahil naranasan ko ang buhay ng isang bata.
Ngayon, hindi ko alam kung mangyayari pa ulit ang mga bagay na ito. Pero dahil “With God nothing’s impossible” patuloy ko paring hiling na maranasan kong muli ito. Ang bagay na nagsilbing patunay ng aking pagkabata. At bagay na nakatatak sa aking isipan at nagbigay ng galak sa aking puso na araw-araw kong baon.

Saturday, February 20, 2016

Pagkagulat

Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng aking puso. Nakakagalit at nakakainis. Tila ayoko huminga sa loob ng mundo.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noong araw na iyon. ‘Sana ay hindi na lamang nangyari ang araw na ito’ Mga salitang namumutawi sa aking isipan.
Kontra ang aking isipan na mangyayari ito. Nakaka kulo talaga ng dugo. Umaga nang ako’y magising, ako’y nalungkot ng bahagya.
Ang masira ang aking makinis na mukha dahil sa isang napakalaking tigyawat. Inis na inis ako dahil sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nagkaroon nito.
Halos mapudpod ang aking mukha sa kakakuskos ng sabon. Sa kagustuhang matanggal agad ito.
Ngunit sa huli, ako’y nagkamali dahil sa aking mga ekspresiyon dahil ito daw ay normal lamang at kasama sa pagtanda. Kaya ang mga galit at inis ay napalitan ng pagkagulat at tuwa dahil ilang araw lamang ay nawala din ito. 

Araw ng mga Puso

Tuwang tuwa na naman ang mga tindera at tindero ng mga bulaklak at tsokolate.
Gamit ang ang kuwartang matagal na itinupi at inipon sa pitaka, kanya kanyang bili ang mga kalalakihan ng mga ito para sa kani-kanilang mga iniirog.
Kanya kanyang grupo ng mga magkasintahan sa mga kainan na tila ‘di mahulugang karayom.
Sa kabilang dako, nariyan din naman ang mga ‘bitter’ kung tawagin, o walang syota na idinadaan na lamang ang pagpapaskil sa kani-kanilang mga social media accounts ng kanilang mga hinaing patungkol sa pagdiriwang ng araw ng mga puso.
Ngunit ang araw ba ng mga puso ay para sa mga magsing irog lamang? Hmmm. Marami yata ang nagkamali ng pakahulugan dito.
Ang araw ng mga puso ay patungkol sa pagmamahalan. Magsyota man o hindi, dapat ay nagdiriwang nito. Matanda, bata, o kahit ano pa man ang antas ng pamumuhay, mayroong karapatang magdiwang nito.
Pero dahil sa kulturang siyang nagpasapasa na, ito ang pakahulugan ng marami.
Nakakalungkot lamang na ang pagdiriwang na ito’y hindi ko man lamang naramdaman dahil sa tambak na gawain sa paaralan.
At ayun. Nagpaka stress lamang ako sa pagtapos ng mga ito.
Pero, patuloy ko parin na hiling ay sana mabago ang ganitong kaugalian at paniniwala. Ang araw ng mga puso ay para sa lahat.


Monday, February 1, 2016

Sabado at Linggo (Enero 30-31, 2016)

 Ano ba ang ginawa ko ng araw na ito? As always J Sabado na naman, edi TULOG ULIT! ^_^ AHAHAHAHA. Aba! Napakasarap kaya matulog nang wala kang iniisip, kaay sulit.
Napakatamad ko yata. Pero totoo naman. Wala akong maalala na ginawa kong may kabuluhan ngayong araw kundi ang matulog lang, FB, IG, at matulog ulit. Napakasaya na walang gagawin.
Kring! Kring! Tunog ng aking cellphone ko ng alas kuwatro ng madaling araw. Bumangon, naghilamos, tumingin sa oras, at naalala kong Linggo lang pala. Nakakabanas! Bakit ba hindi ko napatay yung alarm ko kinagabihan? Naputol tuloy ang mahimbing na tulog ng aking pagod na katawan.

Pagod na katawan kahit na wala anman ginawa noong Sabado. AHAHAHAHA! Astig ‘diba? Ewan ko ba basta ang alam ko lang eh pagod ako at matutulog ako. AHAHAHAHA! Tapos ‘yun sinamahan ko si Mama noong hgapon na sa aming tindahan sa Bagong Nayon, nakakpagod kaya nagpaundo ako sa papa ko noong gabi na at natulog narin pagkauwi dahil maaga na naman akong kailangan gumising kinabukasan para pumasok sa paaralan.

Monday, January 25, 2016

Sabado at Linggo (Enero 23-24, 2016)


Natulog. Natulog. Natulog. Napaka productive naman ng araw kong ito. Ahahaha. Natulog lang ako maghapon ng Sabado. Ewan ko ba, parang ang bigat bigat ng katawan ko na ‘tila ayaw umalis sa pagkakahimlay ang aking matamlay na katawan sa malambot at ma-preskong higaan.
Gumising ng 9:00 am, naligo ako pagka bangon. Kumain, natulog ng 12:00 pm, nagising ng 4:00 pm, naf Facebook lang saglit, tapos natulog ulit. Ayun! Sobrang nakaka antok talaga at nakakatamad. Hanggang kinabukasan na ako nagising.
Linggo na, at dating gawi. Nagka yayaan na naman gumala kasama ang aking mga kamag-aral. Pero may kabuluhan naman ang aming paglalakwatsa ngayon. Bumili na rin kami ng mga kagamitan namin para sa proyekto sa TLE. Nag Quantum muna kami, at ayun butas na naman ang bulsa.
Mag gagabi na nang kami’y makauwi. At as always, maghahabol ng mga takdang aralin. Pero tinamad ulit ako at sabi ko ‘Bukas nalang, AP at TLE lang naman ang asignatura kinabukasan.

Haay nako. Bakit ba nag eexist ang ‘Katamaran’? Nakakainis na rin. Napakaraming naapektuhan. Pero wala eh. Ahahaha. Ganun talaga. 

Sunday, January 17, 2016

Takdang Aralin

1.    Bilang isang kabataan, paano mo mapahahalagahan ang mga kadakilaan at mga nagawa ni Rizal para sa ating bansa?

=> Sa aking palagay, mabibigyang halaga ko ito sa pagsasabuhay ng mga aral at prinsipiyong ibinahagi niya sa pamamagitan ng kanyang mga sulatin katulad ng nobelang Noli Me Tangere na kung ito’y iyopng babasahin ay marami ka talagang mapupulot na aral.


2.    Paano mapahahalagahan o magagamit sa kasalukuyang panahon ang mga aral at prinsipiyong isinatitik ni Rizal sa Nobelang ito?


=> Sa aking palagay ay aking magagamit ang mga ito sa aking buhay sa pamamagitan pagpapakita sa ibang tao na mayroon talaga akong natutunan, kikilos ako bilang isang mtalinong tao na may paninidigan at prinsipyo. Halimbawa ang pripsipyo ni Rizal na ‘Kabataan ang Pag-Asa ng Bayan.’ Sa pagsasabuhay nito, bilang istudyante pa lamang ay mag-aaral ako ng mas mabuti upang sa gayon ay sa baling araw makatulong rin ako sa aking bayan.

Sabado at Linggo (Enero 16-17, 2016)

Nakakatamad bumangon! Nakakainis pero kailangan pumunta sa paaralan para sumuporta sa mga kaklase na kasali sa patimpalak para sa Math in Action 2016, ayun! Worth it ang pag putol ko ng aking mahimbing na tulog dahil naiuwi naman nila ang korona sa Jingle Making Contest na siyang ikinasaya ng bawat Isa sa aming pangkat, Antipolo.
Isa daw itong history dahil sa ilang beses na pagsali ng aming pangkat dito ay ang pinaka mataas na lebel sa unang pangkat ang laging nakakakuha ng titulo kaya nang i-anunsyo ang panalo ay halos mabingi kami sa lakas ng tibok ng aming puso dahil ang bawat isa’y nagulat.
Ayun! Masaya ako para sa kanila dahil pangalan ng aming pangkat ang kanilang dinadala.
Nang uwian na ay pumunta muna ako ng SM Masinag kasama ang aking kamag-aral na si Maureen, bumili lang kami doon ng Zagu dahil natripan lang naming at Planner dahil alam naming magagamit naming ito sa aming pag-aaral lalo na kapag kami ay tumungtong na sa ika-sampung baitang.
 Pagabi na nang kami’y makauwi at as usual gawa gawa muna ng mga takdang aralin, napagod, nag pahinga, at natulog na.
Tanghali naman na ako nagising ng Linggo, gumamit lang ako ng Cellphone mag hapon, nag surfing at pagkatapos ay pumunta muna sa simbahan upang magpasalamat sa Panginoon.

Noong gabi na ay gumawa muna ako ng mga takdang aralin at natulog narin upang maaga akong magising kinabukasan at hindi mahuli sa klase.

Sunday, January 10, 2016

Sabado at Linggo (Enero 09-10, 2016)

Sa aking paggising sa umaga ng Sabado, masaya naman dahil ito'y aking kaarawan at marami na namang pagkain. Natulog muna ako at hapon na nang ako'y nagising. Aba! Walang tao sa bahay. Nalungkot ako siyempre, kaarawan ko tapos wala ang aking pamilya? Ayun! natulog nalang ulit ako. Tapos gabi na nang ako'y nagising. Umalis pala sila. At ayun nakahain na ang mga pagkain. Ginigising na nila ako dahil mayroon nang bisita pero dahil sa aking pride, hindi ako bumangon. Nagtatampo kasi ako dahil nakalimutan na nila 'yung pangako nilang kami'y mag-gagala noong araw na 'yon. Aba! Siyempre ako itong si ma pride, hindi talaga ako umalis sa kwarto ko at nagkulong lang ako doon. Hanggang nakatulog nalang sila sa paglalambing sa akin sa paghingi ng tawad. Ito na yata ang pinaka malungkot na kaarawan ko, pero inintindi ko na lamang sila dahil sa kanilang trabaho, kundi naman dahil doon ay hindi ako mabubuhay. Ayun! Hating gabi nang mapansin kong sila'y mga tulog na, bumangon ako at kumain, gutom na gutom a ako noon siyempre, maghapon ba naman ang nasa kwarto at mula umaga'y hindi pa ako kumakain. Pagkatapos ko kumain, natulog na rin ako.
Kinabukasan, Linggo, ginising ako ng maaga ng aking pamilya upang tuparin ang kanilang pangako ngunit sabi ko'y sasusunod na lamang kami umalis dahil kailangan kong mag review para sa test kinabukasan kaya ayun, siyemrre kahit ano'ng pilit nila, ako pa rin ang nanaig. Whahahaha! Parte narin 'yun ng pagpapakita ko ng pagtatampo. Kaya ayun, todo suyo sila sa akin. Ahahaha! Pero okay na rin. Atleast hindi nila nakalimutan ang aking kaarawan. At masaya pa rin ako dahil dinagdagan pa ng Panginoon ang aking buhay ng isang taon Whahahaha!

Stripe and Yellow

Ang The Adventures of Stripe and Yellow ay isang Stage play na inihandog ng Thespian Guild sa paggunita sa English Month.

Sa aking na aking napanood, ako'y nagalak at natuwa dahil sa mga aral na aking napulot isa na dito ang pagpapahala sa sariling kakayahan. Napaka ganda nito dahil na rin sa kanilang makukulay at creative sa props. Napaka gagaling ng mga aktor na gumanap, bagay na bagay sa kanila ang kani-kanilang inpiniprisentang katauhan. Magalung silang mag bitaw ng mga salita na sita namang naka pukaw ng aking atensiyon ang ganda ng kanilang accent. Ngunit nasayang ang kanilang mga boses dahil sa technicals na siya naman naging dahilan upang ako'y maburyo at minsa'y hindi na maintindihan ang kanilang sinasabi.
Sa kabuuan, maganda naman ang kanilang ipinamalas na talento ngunit hindi ko gusto ang tema dahil ito'y masyadong pambata.