Tunay nga na walang permanente dito sa mundo. Mayroong mga
mayaman na sa kalaunay naghihirap. Mayroong mga pinapalad na makatikim ng
gintong kutsara. Mayroong mga mapapayat na dati’y tila elepante sa katabaan.
Palaro-laro lamang, walang iniisip, walang problema. Napaka saya
talagang maging isang walang muwang. Ika nga “Nothing’s permanent in this world”
Marahil naging masaya ka sa pagkabata, marahil hindi. Ngunit napaka bilis
lamang ng takbo ng panahon. ‘Yung bang isang araw ay gigising ka na lamang na iba
na ang takbo ng buhay.
Photo Credits: Globalnation.inquirer.net |
Bilang isang mayroon nang parte sa mundo o okupado ang
pananaw sa realidad ng buhay, mayroon din tayong gustong balikang mga ala-ala o
gawain na siyang magpapatalon ng ating mga puso sa galak.
Ako bilang nasa ika-siyam na baitang na at mayroon nang
kaalaman sa takbo ng buhay, nais ko rin balikan ang paglalaro ng mga larong
kalye tulad ng ‘patintero’, ‘tumbang preso’, ‘batuhang bata’, ‘yung bang uuwi
ako nang aming tahanan na duguan ang binti dahil sa sugat na nakuha sa
pagkadapa sa paglalaro ngunit kalakip naman nito ang galak at memoryang tatatak
sa aking puso’t isipan na ako’y masuwerte dahil naranasan ko ang buhay ng isang
bata.
Ngayon, hindi ko alam kung mangyayari pa ulit ang mga bagay
na ito. Pero dahil “With God nothing’s impossible” patuloy ko paring hiling na maranasan
kong muli ito. Ang bagay na nagsilbing patunay ng aking pagkabata. At bagay na nakatatak
sa aking isipan at nagbigay ng galak sa aking puso na araw-araw kong baon.
No comments:
Post a Comment