Sunday, January 10, 2016

Sabado at Linggo (Enero 09-10, 2016)

Sa aking paggising sa umaga ng Sabado, masaya naman dahil ito'y aking kaarawan at marami na namang pagkain. Natulog muna ako at hapon na nang ako'y nagising. Aba! Walang tao sa bahay. Nalungkot ako siyempre, kaarawan ko tapos wala ang aking pamilya? Ayun! natulog nalang ulit ako. Tapos gabi na nang ako'y nagising. Umalis pala sila. At ayun nakahain na ang mga pagkain. Ginigising na nila ako dahil mayroon nang bisita pero dahil sa aking pride, hindi ako bumangon. Nagtatampo kasi ako dahil nakalimutan na nila 'yung pangako nilang kami'y mag-gagala noong araw na 'yon. Aba! Siyempre ako itong si ma pride, hindi talaga ako umalis sa kwarto ko at nagkulong lang ako doon. Hanggang nakatulog nalang sila sa paglalambing sa akin sa paghingi ng tawad. Ito na yata ang pinaka malungkot na kaarawan ko, pero inintindi ko na lamang sila dahil sa kanilang trabaho, kundi naman dahil doon ay hindi ako mabubuhay. Ayun! Hating gabi nang mapansin kong sila'y mga tulog na, bumangon ako at kumain, gutom na gutom a ako noon siyempre, maghapon ba naman ang nasa kwarto at mula umaga'y hindi pa ako kumakain. Pagkatapos ko kumain, natulog na rin ako.
Kinabukasan, Linggo, ginising ako ng maaga ng aking pamilya upang tuparin ang kanilang pangako ngunit sabi ko'y sasusunod na lamang kami umalis dahil kailangan kong mag review para sa test kinabukasan kaya ayun, siyemrre kahit ano'ng pilit nila, ako pa rin ang nanaig. Whahahaha! Parte narin 'yun ng pagpapakita ko ng pagtatampo. Kaya ayun, todo suyo sila sa akin. Ahahaha! Pero okay na rin. Atleast hindi nila nakalimutan ang aking kaarawan. At masaya pa rin ako dahil dinagdagan pa ng Panginoon ang aking buhay ng isang taon Whahahaha!

No comments:

Post a Comment