Nakakatamad bumangon! Nakakainis pero kailangan pumunta sa
paaralan para sumuporta sa mga kaklase na kasali sa patimpalak para sa Math in
Action 2016, ayun! Worth it ang pag putol ko ng aking mahimbing na tulog dahil
naiuwi naman nila ang korona sa Jingle Making Contest na siyang ikinasaya ng
bawat Isa sa aming pangkat, Antipolo.
Isa daw itong history dahil sa ilang beses na pagsali ng
aming pangkat dito ay ang pinaka mataas na lebel sa unang pangkat ang laging nakakakuha
ng titulo kaya nang i-anunsyo ang panalo ay halos mabingi kami sa lakas ng
tibok ng aming puso dahil ang bawat isa’y nagulat.
Ayun! Masaya ako para sa kanila dahil pangalan ng aming pangkat
ang kanilang dinadala.
Nang uwian na ay pumunta muna ako ng SM Masinag kasama ang
aking kamag-aral na si Maureen, bumili lang kami doon ng Zagu dahil natripan
lang naming at Planner dahil alam naming magagamit naming ito sa aming
pag-aaral lalo na kapag kami ay tumungtong na sa ika-sampung baitang.
Pagabi na nang kami’y
makauwi at as usual gawa gawa muna ng mga takdang aralin, napagod, nag pahinga,
at natulog na.
Tanghali naman na ako nagising ng Linggo, gumamit lang ako ng
Cellphone mag hapon, nag surfing at pagkatapos ay pumunta muna sa simbahan
upang magpasalamat sa Panginoon.
Noong gabi na ay gumawa muna ako ng mga takdang aralin at
natulog narin upang maaga akong magising kinabukasan at hindi mahuli sa klase.
No comments:
Post a Comment