Tuesday, March 8, 2016

“A leader must be versatile.”

Walang trabaho ang mahirap kung mahal mo ang iyong ginagawa. Ang pagiging isang namumuno ay napakabigat na trabaho lalo pa kung napakalaking grupo ang iyong pinamumunuan.
Simbuyo ng damdamin at kakayahan ang dapat taglayin kung gusto mong maging isang mabuting lider.
Nakatutuwang isipin na kahit ang isang bata o nag-aaral pa lamang ay maaari nang maging isang lider. Patunay ang mga organisasyong pinamumunuan ng bawat estudyante sa iba’t ibang paaralan.
Ang Supreme Student Government (SSG) ay isang pinaka mataas na government body sa Mambugan National High School. Layunin nitong pamunuan ang lahat ng mag-aaral sa paaralan.
Ang pagiging kabahagi ng pamunuang ito ay napaka bigat na responsibilidad. Pagiging mabuting halimbawa na dapat ipakita sa bawat kilos ang isa sa mga ito.
Hindi ka maaaring gumawa ng mga bagay na ikasisira ng iyong pangalan dahil ikaw ay lider na siyang dapat na maging modelo ng marami.
Eleksiyon na naman. Kanya-kanyang plataporma ang inihahain ng bawat partido upang sila’y iboto.
Hindi mo na nga alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo. Sa simula lang naman ang pangakong ito, kapag nahalal na ay ipinagwawalang bahala na lamang ang mga pangakong binitawan. Ika nga, “Promises are meant to be broken”
Araw ng kampanya. Kanya-kanyang pakulo ang bawat estudyanteng tumatakbo sa iba’t ibang posisyon.
Base sa aking nakita, nakalulungkot isipin na kampanya pa lamang ay hindi mo na makikita ang katangian ng pagiging isang lider sa kanilang mga tindig.
Sa kanilang mga pakulo, walang kaugnayan ang mga ginagawa nila sa magandang pamumuno.
Araw nga ng kanilang kampanya ay mayroon akong nakitang nakasuot ng mataas na takong sa halip na ang suot ay itim na sapatos, sa isang partido.
Kaya noong araw ng Press Conference, at ako bilang isang manunulat ng paaralan, hindi ko pinalampas na ibato ang kahihiyang ito sa kanila.
“How assured are you that your rules and regulations particularly the proper attire of students, will be followed by the students religiously if you running SSG’s weren’t able initiating your own rule? ‘Cause based on students in one class that you have conducted your campaign, they saw a guy wearing high heels instead of wearing black shoes.”
Ito ang tanong na ibinato ko sa kanila na siyang ikinagulat nang lahat at kanilang itong hindi nasagot.
Patunay ito na hindi lahat ng tumatakbo upang mamuno ay karapat-dapat. Simpleng tanong pa nga lamang ay kanila nang hindi masagot na bumali sa kasabihang “A leader must be versatile.”

‘Yung iba eh pafamous lang kaya gustong tumakbo bilang isang lider. Kaya patuloy kong hiling ay mahalal ang mga karapat-dapat, mamuno ang dapat mamuno na kayang ibigay ang buong puso at maging isang mabuting halimbawa sa bawat mag-aaral kung sino man ang mahahalal.

No comments:

Post a Comment