Kasibulan Para sa Hinaharap: Simulan na, Sabay Kana!
Ni Jan Kevin T. Mendoza
Sa
panahon ngayon, matunog ang mga salitang kung hindi ka marunong sumabay,
maiiwanan ka talaga. Kaugnay nito, maraming kapwa Pilipino na ang napag iwanan
ng panahon. Sa madaling salita, sila’y nalugmok sa kahirapan.
“Ang buhay ay kakambal na nang kahirapan”
Ika nga ni Buddha. Ito’y isang bagay na walang sino man ang makatatakas. Kahit
anong iwas ang gawin mo dito, kahit magtago ka pa ilalim ng lamesa, kama o saan
mang sulok ng bahay mo. Diskarte mo nalang kung magawa mo ito. Ang kahirapan ay
talagang parte na ng buhay ng bawat isa.
Tunay na ang bawat problema ay may
katumbas na solusyon. Hindi natin maitatanggi na mula pagkabata ay kintal na
ito sa ating isipan. Kintal sa isipan hanggang sa ngayon. Sa mga salita kong
ito, nais ko lamang ipabatid na ang kahirapan ay may solusyon. Ngunit ito ba ay
lubos na naiintindihan ng bawat isa?
Patunay dito ang mga taong nauudyok na gumawa
ng bagay taliwas sa nararapat, sa batas. Kahirapan katumbas ng
pagsisinungaling. Kahirapan katumbas ng pagnanakaw. At kahirapan katumbas ng
pagpatay.
Masakit isipin na dahil sa kahirapan,
maraming indibidwal and natutuksong kumapit sa patalim. Malaking bahagdan ng
tao ang natutuksong gumawa ng masama. Ang katotohanang ito na aking nasaksihan
ay isang bagay na nagpapatunay, hindi natin kayang solusyunan ang ating
problema.
Kailan man, hindi naging masama ang
pagiging dukha, ang masama ay kung mamamatay ka paring dukha. Sabi nga ng aming
guro noong ako’y nasa baitang pito. Kaugnay nito, ang kahirapan ay isang bagay
na hindi dapat isisi sa kung sino man. Dahil ito’y maaaring sanhi ng kawalan mo
ang pagsisikap. Kawalan mo ng determinasyon. At kawalan mo ng pangarap na
makaahon sa nakalulungkot na sitwasyong ito.
Ako bilang kasibulan, lubos na naghahangad
ng pagbabago sa ating lipunan. Hindi lamang ako kundi ikaw, tayong lahat ay may
responsibilidad. Responsibilidad na gawin ang tama, magsikap, at maging
determinado.
Kung may magagawa ka, simulan na! Kumilos
tayo sa pag-iisip ng mabuti at may katwiran. Marapating mamuhay ng may dangal.
Huwag lamang hayaang manaig ang takot na harapin ang hamon sa buhay dahil ito’y
hindi mawawakasan kung ito’y tatalikuran.
Huwag tayong magbulag-bulagan sa mga
nagaganap. Sa bawat tiklop ng kalendaryo, sabay-sabay nating buksan ang ating
mata dahil tayo, edukadong kabataan ang pag-asa ng hinaharap.
Hello Kevin, allow me to use your talumpati for our performance task in filipino. Thanks :*
ReplyDeleteHello Kevin, hihiramin ko lang po ang iyong talumpati para sa module ko lang po, thanks in advance!!
ReplyDeleteHelloo po kuya kevin pagamit po muna Ng iyong talumpati para sa modulee ko po
ReplyDeleteNabasa ko ang original speech nito.
ReplyDeleteHello Kevin, allow me to use your talumpati for our performance task in filipino. Thanks
ReplyDelete