Sabado. Napagdesisyunan kong matulog maghapon. Wala naman
akong gagawin ng araw na ito, walang mga takdang aralin, mga proyekto kaya’t
nabuo ang desisyong ito. Nakatutuwang isipin na kahit wala naman akong ginawa
maghapon ay tila pagal ang aking katawan.
Gumising ako ng alas nuwebe ng umaga, kumain, naligo at
natulog ulit ng alas dose ng tanghali. Nagising ako nang magaalas-sais ng gabi.
Nakakaantok talaga! Nakapanghihinayang rin dahil wala man
lang akong nagawang mabuti at mahalaga nang araw na ‘to. Pero okay na rin, at
least ay nakapagpahinga rin ako sa fully sched na nakaraang mga araw.
Linggo. Wala nang bago. Natulog lang ulit ako maghapon nito.
Hindi ko alam kung bakit ‘tila tamad na tamad talaga ako ng araw na ‘to. Pero
sige, masaya naman matulog.
Gabi na rin nang magising ako, agad kong binuksan ang
computer upang i-check ang social medias
ko na siyang tila buhay ko na, siguro nga kung wala sila eh hindi ko na kayang
mabuhay sa mundo ibabaw. Pero biro lang syempre.
Pagkatapos ko mag-aliw sa paggamit nito ay naglaba muna ako
ng uniform ko upang may magamit ako kinabukasan sa pagpasok.
Naghugas ng pinggan at naglinis ng bahay kahit na gabi. May mabuti
naman pala akong nagawa. HAHAHAHA. Okay na ‘yun, mabait parin ako.
Dahil gabi na, matutulog na ako ^_^
No comments:
Post a Comment