Friday, April 29, 2016

Tatak sa puso't isipan

 Isang taon na ang nakalipas. Kung tutuusin ay napakatagal na nito pero bakit sa isip ko'y hindi ka mawaglit? Sabi nila, Time can heal. Pero bakit habang tumatagal eh lalo akong nasasaktan? Sa pag aala-ala nang mga panahong, araw-araw eh kukumustahin mo 'ko, kekwentuhan mo ako ng mga pangyayari sa buhay mo, tuturuan mo ako sa Math, at sa pag aala-ala noong panahong close na close tayo, lalo kong nararamdaman 'yung sakit. Sakit na nabago ang lahat. Alam kong wala akong karapatang maramdaman 'to dahil isa mo lang naman akong kaibigan. Pagkakaibigan na isang araw ay nilimot mo. Pagkakaibigan na binalewala mo. Isang taon na nga ang nakalipas nang huli tayong mag-usap. Pag-uusap na tila daig pa ang magkasintahan sa tamis at saya. Pag-uusap na isang araw eh nauwi sa dedmahan. Nakakalungkot. Nakakalungkot nga na kinalimutan mo na ako, siguro'y nakahanap kana ng bago mong kabigan. Kaibigan na mas higit sa akin. Kaibigan na sa palagay ko'y mas magbibigay sa'yo ng saya. Napakasaya ko noong nakilala kita. Isang matalino, pamoso, at tinitingala ng maraming tao. Tunay nga na napakaswerte ko dahil nakilala kita. Naging kapatid, tagapayo, at matalik na kaibigan. Gigising sa umagang ikaw ang laman ng isip. Matutulog sa gabing iniisip na ikaw ay babalik. Patuloy ko ngang dalangin na ika'y bumalik at pakawalan ang aking nakulong sa kasiyahan sa loob ng isang taon nang iyong paglisan. Biglang paglisan na sumira sa ating pagsasamahan. Pagsasamahan na akala ko noo'y pang habambuhay. Napatunayan kong wala talagang forever. People change. People leave, and people forget. Nakadidismaya na ikaw ang nagpatunay at nagparamdam sa akin ng mga salitang ito. Isang araw ika'y aking kinamusta. Laging gulat ko at ako'y hindi mo binigyan pansin. Kinalimutan mo na nga talaga ako. Kinalimutan ang mga bagay na ating napagsamahan at napagdaanan. Nalulungkot ako na napakadali sa'yong kalimutan ang lahat. Sabi nga, kung ang isang bagay ay wala nang halaga, itapon mo na. Napagtanto ko na, na ako'y walang nang halaga sa'yo. Halaga na dati'y minu-minutong pinaparamdam mo. Ngunit nagbago ka na nga. Nawa'y masaya ka ngayon kung nasaan ka man, at sana'y malaman mo na naandito ka parin, nakatatak sa aking puso't isipan.

No comments:

Post a Comment