Saturday, March 19, 2016

Letter to the teacher

Hindi ko alam kung sapat na ang salitang “SALAMAT PO!” sa aming guro sa Filipino 9 na siyang tumayo bilang isa sa mga ikalawa naming guro, nagturo sa aming sa loob ng sampung buwan ng buong puso, nagbigay ng mga aral hindi lamang sa asignatura pati na rin sa realidad ng buhay.
Ang Filipino ay isa sa pinaka mahirap na asignatura, patunay na siguro ang pagiging kabilang nito sa major subjects. Dahil nga ito ay isa sa mga ayaw kong asignatura, inaamin ko naman na hindi naman ako naging isang mabuting estudyante sa ilalim ng pag-aaral dito. Kaya’t laking pasalamat ko sa aming guro sa kanyang alang sawang pagturo sa amin.


 Kaugnay ng mga ito, kahit na nahirapan ako dito, naging masaya parin at memorable ang Filipino 9 dahil sa mga aktibidades na aming ginawa sa ilalim ng pamumuno ng aming mabait, makwela, maintindihin, maunawain, at magandang guro.

No comments:

Post a Comment