Napakatamad ko yata. Pero totoo
naman. Wala akong maalala na ginawa kong may kabuluhan ngayong araw kundi ang
matulog lang, FB, IG, at matulog ulit. Napakasaya na walang gagawin.
Kring! Kring! Tunog ng aking
cellphone ko ng alas kuwatro ng madaling araw. Bumangon, naghilamos, tumingin
sa oras, at naalala kong Linggo lang pala. Nakakabanas! Bakit ba hindi ko
napatay yung alarm ko kinagabihan? Naputol tuloy ang mahimbing na tulog ng
aking pagod na katawan.
Pagod na katawan kahit na wala
anman ginawa noong Sabado. AHAHAHAHA! Astig ‘diba? Ewan ko ba basta ang alam
ko lang eh pagod ako at matutulog ako. AHAHAHAHA! Tapos ‘yun sinamahan ko si
Mama noong hgapon na sa aming tindahan sa Bagong Nayon, nakakpagod kaya
nagpaundo ako sa papa ko noong gabi na at natulog narin pagkauwi dahil maaga na
naman akong kailangan gumising kinabukasan para pumasok sa paaralan.
No comments:
Post a Comment