Wednesday, March 16, 2016

Karanasan sa asignaturang Filipino

Sa totoo lang, ang asignaturang Filipino ay isa sa pinaka ayaw ko. Ang pag-aaral ng mga nobela ang siyang dahilan kung bakit. Nakakatamad dahil ang pagbabasa ay ang pinaka ayokong ginagawa. Siguro’y mas pipiliin ko pang magsulat kaysa magbasa.
Unang markahan. Nagawa ko namang maitawid ang pag-aaral sa mga aralin na kabilang dito.  Sa tulong ng aming makwelang guro ay kahit papaano ay unti-unti kong nagugustuhan ang asignaturang ito.
Ikalawang markahan. Dito na yata nagsisimula ang pagka-ayaw ko sa asignatura. Puro kwento ang aming tinatalakay at sabi ko nga, hindi ko hilig ang pagbabasa. Ito siguro ang dahilan kung bakit ayaw ko ang Filipino.
Ikatlong markahan. Naging masaya ito. Una ay dahil mataas ang nakuha kong marka kahit na hindi ko maibigay ang pagmamahal at pagpupunyagi sa asignaturang ito. Katulong an gaming mahusay na guro, naging mas madali ang pag intindi ko sa mga aralin na ayaw ko kaya kahit papaano nagustuhn ko parin ito.
Ikaapat na markahan. Ito ang pinaka stressed na markahan kung saan Noli Me Tangere ang aming aralin. Pagbabasa na naman ang kailangan dito. Tuluyan ko na ngang inayawan ang asignaturang ito. Kaugnay ng markahang ito ang paggawa ng film na siyang naging dahilan ng pagka-stressed ko. Wala naman akong masisi dahil kami rin, mga estudyante ang may kasalanan kung bakit kami nagagahol sa paggawa nito. Pero pasalamat parin at natapos kami sa tamang oras.

Dahil kaaway ko nga ang pagbabasa, hindi ko naman hahayaan na habang buhay na lamang ito. Paunti-unti ay pipilitin kong gustuhin ito. Sabi nga ay ito ang pinaka mahalaga dahil nagkakaroon ka ng maraming kaalaman. Hindi ko rin sinasabi na hindi importante ang Filipino dahil hindi ko nagawang mahalin ito, talagang hindi lang pabor ang kakayahan ko sa asignaturang ito.

No comments:

Post a Comment