Sa lahat ng laban, walang mananalo kung walang talo. At hindi
sa lahat ng oras, nasa ibabaw tayo. Sabi nga nila, umiikot ang mundo. Pero sa
likod ng mga ito, dapat ay lagi tayong handa kung ano pa man ang maging resulta
ng ating laban.
Nito lamang nakaraang biyernes, Pebrero 26, 2016, ginanap sa aming
paaralan, ang Mambugan National High School, ang Field Demonstration.
Para sa baitang sampu, Hiphop ang sayaw na dapat nilang ipamalas,
social dance para sa baitang siyam, cultural dance para sa baitang walo, at
excercise para sa baitang pito.
Ilang linggo bago ganapin ang nasabing kompetisyon, ay puspusang
naghahanda ang aming pangkat, na nabibilang sa baitang siyam kung saan ay dapat
naming ipamalas ang aming natatagong mga talento sa pagsayaw ng social dance. ‘Marry
Me’ ni Jayson Derullo ang napagkasunduang kanta na aming sasayawin.
Sa pangunguna ni Frances Aranjuez at Jackielyn Bonganay,
aking kamag-aral, halos araw-araw kaming nagsasanay at naghahanda para sa
kompetisyon.
Sa una pa lamang ay malaki na ang aming paniniwala na maiuuwi
namin ang korona dahil sa ganda ng choreography ng aming sayaw at dahil kami
ang nasa pinaka unang pangkat ay marahil nasa amin ang mata ng mga hurado.
Kasama ang pangkat, Cebu, Eastern Samar, Florida Blanca at
kami pangkat Antipolo, handa nang sumabak sa laban sa iba’t ibang pangkat sa
baitang siyam.
Ilang oras bago simulan ang labanan sa pagitan ng mga grupo
sa baitang siyam, kanya kanya lagay ng kolorete sa katawan ang bawat isa.
Hairspray na kulay-rosas at banderitas ang napili para sa aming props.
At dumating na nga ang oras na pinaka hihintay ng bawat isa,
ang maihandog ang nabuo naming sayaw. Naging maayos naman ang pag-eexecute ng
sayaw, kahit na mayroong iilan-ilan sa amin na nakalimutan ang mga susunod na
hakbang na siya namang hindi talaga maiiwasan.
Nang matapos ang iba’t ibang grupo ng ika-siyam na baitang
maipamalas ang mga natatanging talento sa pagsayaw ay lubos kaming nadismaya
dahil sa punong puno sila ng props sa katawan. At kami na kulay sa buhok lamang
ang kolorete sa katawan ay hindi pa raw naging visible sa paningin ng mga
manonood dahil umaga ito ginanap at hindi pa sikat ang araw.
Tinawag ang nagkamit ng ika-talo at dalawang puwesto. Aba
wala kami doon, marahil ay kami nga ang nanalo, dahil base sa aming pananaw sa
aming napanood, hindi naman ganoon kaganda ang choreography ng ibang pangkat at
ang iba pa nga ay hindi na social dance ang ipinakita dahil sa paggamit nila ng
remixed na kanta.
Kinakabahan ang bawat isa dahil dalawang grupo na lamang ang
hindi natatawag, isa na doon ang aming pangkat.
Hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa na makuha ang tropeyo
ng pagkapanalo. Hanggang sa tanghaling kampeon ang isa naming kalaban.
Nakalulungkot ang nangyari, lahat kami ay nadismaya sa
resulta ng kompetisyon. Dahil sa apat na magkakatunggali, ay kami ang pang
apat. Nakakahiya lamang dahil kami pa naman ang nasa pilot section, dapat kami
ay competitive.
Marahil ay bumagsak kami sa props, ito pa naman ay 20% ang
laking hatak sa amin pababa.
Hanggang ngayon ay hindi parin namin matanggap ang nangyari.
Nakakahiya talaga. Pero naging masaya parin kami dahil marami kaming napasaya
at naging aral na rin ito sa amin.
Kami ay baitang siyam pa lang naman, may susunod na taon pa. Aming
mas pagbubutihan at paghahandaan ang susunod na mga laban.
Choreography is quite prominent
to the props~
-JanKevin T. Mendoza
No comments:
Post a Comment