Wednesday, March 16, 2016

Ang nakuha ko sa buong taong talakayan

Sa dami ng aking natutunan ay isang pangungusap lamang ang aking masasabi kaugnay dito. “Ang pagbabasa ay napakahalaga”
Sa buong taon na aking pag-aaral sa Filipino ay napagtanto ko kung gaano kahalaga ang pagbabasa. Dahil para sa akin, pagbabasa at paghasa pangunawa naman talaga ang pangunahing layunin ng asignaturang ito.
Sa araw-araw na pakikinig ko sa aming guro ay hindi ko ganoon naiintindihan ang isang aralin kung buong talakayan lamang ako makikinig. Napatunayan ko ito sa mga panahon na nagbabasa ako ng isang aralin bago pa man ituro ng aming guro na siyang nakatutulong upang mas madali kong maintindihan ang pag-unawa sa isang aralin. Kaugnay nito, hindi ko naman lubos maunawaan ang tinatalakay ng aming guro kung ito’y hindi ko nabasa.

Patunay ito na napakahalaga talaga ng pagbabasa. Ang Filipino ay napakahalaga, ang pag-aaral nito’y tunay na nagbibigay-aral dahil sa mga nakukuhang impormasyon na maaaring magamit sa buhay. Ang tanging kailangan mo lamng ay mahalin ito at magbigay ng katiyagaan sa pagbabasa na siyang ayaw rin ng nakararami.

No comments:

Post a Comment