Thursday, March 24, 2016

"Best in Film Editing"




Hard work really does pay off. We, group 3 got the “Pinakamahusay sa Pagpuputol” or Best in Film Editing through my supervision.  In line with this, the life of Elias, one of the main characters in Noli Me Tangere of Jose P. Rizal was filmed.
Upon receiving this, it really freed the mirthfulness caged of ours due to the heavy works of making this film. So, I’m very happy for the hard works of our group was returned through this simple award.
 But what matters most are the lessons we got from making this project. We learned the word unity, we drew deeper intimacy with each other and we had experience the life of being an artists.

Ruler of Mine

Ruler of Mine
By Jan Kevin T. Mendoza

Like a rose, trampled on the ground
My existing is as thing that is no longer worthy
The feeling of unwanted through my involvement
I feel like I’m complicated mixture of all malfeasances

“I will never put myself in a box”
Phrase always inculcated in my thinker
Just can’t layover limiting myself
Turned me out to be weaker

How to think out of the box?
I am not an open-hearted carrying the aftermath
Being without instrumental accompaniment
Why to cling and abide in my existence?

One day your eyes fell in my heart
It really freed the mirthfulness caged of mine
Where to go, what to do?
I had been deaf through the beats of my dinning heart

Stalking, should this enough what to call?
My gratitude to social medias
With these I can know you more
Provided your portraits, I loved you times to four

You are everyday awaited by my tantalized eyes
Just to seeing your physical comeliness
Pulchritude, which my perception can describe
Append your intelligence and brilliance, picture-perfect

The anticipated moment, we’ll talk
Came and made I can’t just walk
You displayed your smile and genuinely built my felicity
I was mesmerized through your jaw-dropping beauty

 The desire to have you utterly burdened me
Every night I think that you and I will be
But how my fantasy will transpire?
We are quietly distant, you’re in ice and I’m in fire

Multitude will be my foe and rival just to get you
Whether to fight or stop the incapable appetency
I want to cry out loud and let you hear my resentments
Will it capture your heart or just neglect my statements?

A dawn I woke up and had just accepted the fact
The fact that explains we are not really capable
My heart entered the tribulation
I can hide it but have nothing to stop the affliction

Now I moved on but still your number one fan
Your lovely and magnificent image, you’re really my the one
A breathtaking intelligence, made my heart missed a beat
Like I can’t just stop watching you at my seat

I thought my life is just a rose whose tend to be rotten
But you came, the change in my life made happen
Inspiration is now infused in all my undertaking
With you I feel like I can do everything

A billion thanks for your existence
I will be eternally keeper an image of your presence
You ruled my life to take the right path
I love you the one I will cling my life at


Sunday, March 20, 2016

Sabado at Linggo (Marso 19-20, 2016)

Sabado. Napagdesisyunan kong matulog maghapon. Wala naman akong gagawin ng araw na ito, walang mga takdang aralin, mga proyekto kaya’t nabuo ang desisyong ito. Nakatutuwang isipin na kahit wala naman akong ginawa maghapon ay tila pagal ang aking katawan.
Gumising ako ng alas nuwebe ng umaga, kumain, naligo at natulog ulit ng alas dose ng tanghali. Nagising ako nang magaalas-sais ng gabi.
Nakakaantok talaga! Nakapanghihinayang rin dahil wala man lang akong nagawang mabuti at mahalaga nang araw na ‘to. Pero okay na rin, at least ay nakapagpahinga rin ako sa fully sched na nakaraang mga araw.
Linggo. Wala nang bago. Natulog lang ulit ako maghapon nito. Hindi ko alam kung bakit ‘tila tamad na tamad talaga ako ng araw na ‘to. Pero sige, masaya naman matulog.
Gabi na rin nang magising ako, agad kong binuksan ang computer upang  i-check ang social medias ko na siyang tila buhay ko na, siguro nga kung wala sila eh hindi ko na kayang mabuhay sa mundo ibabaw. Pero biro lang syempre.
Pagkatapos ko mag-aliw sa paggamit nito ay naglaba muna ako ng uniform ko upang may magamit ako kinabukasan sa pagpasok.
Naghugas ng pinggan at naglinis ng bahay kahit na gabi. May mabuti naman pala akong nagawa. HAHAHAHA. Okay na ‘yun, mabait parin ako.


Dahil gabi na, matutulog na ako ^_^

Saturday, March 19, 2016

Letter to the teacher

Hindi ko alam kung sapat na ang salitang “SALAMAT PO!” sa aming guro sa Filipino 9 na siyang tumayo bilang isa sa mga ikalawa naming guro, nagturo sa aming sa loob ng sampung buwan ng buong puso, nagbigay ng mga aral hindi lamang sa asignatura pati na rin sa realidad ng buhay.
Ang Filipino ay isa sa pinaka mahirap na asignatura, patunay na siguro ang pagiging kabilang nito sa major subjects. Dahil nga ito ay isa sa mga ayaw kong asignatura, inaamin ko naman na hindi naman ako naging isang mabuting estudyante sa ilalim ng pag-aaral dito. Kaya’t laking pasalamat ko sa aming guro sa kanyang alang sawang pagturo sa amin.


 Kaugnay ng mga ito, kahit na nahirapan ako dito, naging masaya parin at memorable ang Filipino 9 dahil sa mga aktibidades na aming ginawa sa ilalim ng pamumuno ng aming mabait, makwela, maintindihin, maunawain, at magandang guro.

Wednesday, March 16, 2016

Ang nakuha ko sa buong taong talakayan

Sa dami ng aking natutunan ay isang pangungusap lamang ang aking masasabi kaugnay dito. “Ang pagbabasa ay napakahalaga”
Sa buong taon na aking pag-aaral sa Filipino ay napagtanto ko kung gaano kahalaga ang pagbabasa. Dahil para sa akin, pagbabasa at paghasa pangunawa naman talaga ang pangunahing layunin ng asignaturang ito.
Sa araw-araw na pakikinig ko sa aming guro ay hindi ko ganoon naiintindihan ang isang aralin kung buong talakayan lamang ako makikinig. Napatunayan ko ito sa mga panahon na nagbabasa ako ng isang aralin bago pa man ituro ng aming guro na siyang nakatutulong upang mas madali kong maintindihan ang pag-unawa sa isang aralin. Kaugnay nito, hindi ko naman lubos maunawaan ang tinatalakay ng aming guro kung ito’y hindi ko nabasa.

Patunay ito na napakahalaga talaga ng pagbabasa. Ang Filipino ay napakahalaga, ang pag-aaral nito’y tunay na nagbibigay-aral dahil sa mga nakukuhang impormasyon na maaaring magamit sa buhay. Ang tanging kailangan mo lamng ay mahalin ito at magbigay ng katiyagaan sa pagbabasa na siyang ayaw rin ng nakararami.

Karanasan sa asignaturang Filipino

Sa totoo lang, ang asignaturang Filipino ay isa sa pinaka ayaw ko. Ang pag-aaral ng mga nobela ang siyang dahilan kung bakit. Nakakatamad dahil ang pagbabasa ay ang pinaka ayokong ginagawa. Siguro’y mas pipiliin ko pang magsulat kaysa magbasa.
Unang markahan. Nagawa ko namang maitawid ang pag-aaral sa mga aralin na kabilang dito.  Sa tulong ng aming makwelang guro ay kahit papaano ay unti-unti kong nagugustuhan ang asignaturang ito.
Ikalawang markahan. Dito na yata nagsisimula ang pagka-ayaw ko sa asignatura. Puro kwento ang aming tinatalakay at sabi ko nga, hindi ko hilig ang pagbabasa. Ito siguro ang dahilan kung bakit ayaw ko ang Filipino.
Ikatlong markahan. Naging masaya ito. Una ay dahil mataas ang nakuha kong marka kahit na hindi ko maibigay ang pagmamahal at pagpupunyagi sa asignaturang ito. Katulong an gaming mahusay na guro, naging mas madali ang pag intindi ko sa mga aralin na ayaw ko kaya kahit papaano nagustuhn ko parin ito.
Ikaapat na markahan. Ito ang pinaka stressed na markahan kung saan Noli Me Tangere ang aming aralin. Pagbabasa na naman ang kailangan dito. Tuluyan ko na ngang inayawan ang asignaturang ito. Kaugnay ng markahang ito ang paggawa ng film na siyang naging dahilan ng pagka-stressed ko. Wala naman akong masisi dahil kami rin, mga estudyante ang may kasalanan kung bakit kami nagagahol sa paggawa nito. Pero pasalamat parin at natapos kami sa tamang oras.

Dahil kaaway ko nga ang pagbabasa, hindi ko naman hahayaan na habang buhay na lamang ito. Paunti-unti ay pipilitin kong gustuhin ito. Sabi nga ay ito ang pinaka mahalaga dahil nagkakaroon ka ng maraming kaalaman. Hindi ko rin sinasabi na hindi importante ang Filipino dahil hindi ko nagawang mahalin ito, talagang hindi lang pabor ang kakayahan ko sa asignaturang ito.

Tuesday, March 8, 2016

“A leader must be versatile.”

Walang trabaho ang mahirap kung mahal mo ang iyong ginagawa. Ang pagiging isang namumuno ay napakabigat na trabaho lalo pa kung napakalaking grupo ang iyong pinamumunuan.
Simbuyo ng damdamin at kakayahan ang dapat taglayin kung gusto mong maging isang mabuting lider.
Nakatutuwang isipin na kahit ang isang bata o nag-aaral pa lamang ay maaari nang maging isang lider. Patunay ang mga organisasyong pinamumunuan ng bawat estudyante sa iba’t ibang paaralan.
Ang Supreme Student Government (SSG) ay isang pinaka mataas na government body sa Mambugan National High School. Layunin nitong pamunuan ang lahat ng mag-aaral sa paaralan.
Ang pagiging kabahagi ng pamunuang ito ay napaka bigat na responsibilidad. Pagiging mabuting halimbawa na dapat ipakita sa bawat kilos ang isa sa mga ito.
Hindi ka maaaring gumawa ng mga bagay na ikasisira ng iyong pangalan dahil ikaw ay lider na siyang dapat na maging modelo ng marami.
Eleksiyon na naman. Kanya-kanyang plataporma ang inihahain ng bawat partido upang sila’y iboto.
Hindi mo na nga alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo. Sa simula lang naman ang pangakong ito, kapag nahalal na ay ipinagwawalang bahala na lamang ang mga pangakong binitawan. Ika nga, “Promises are meant to be broken”
Araw ng kampanya. Kanya-kanyang pakulo ang bawat estudyanteng tumatakbo sa iba’t ibang posisyon.
Base sa aking nakita, nakalulungkot isipin na kampanya pa lamang ay hindi mo na makikita ang katangian ng pagiging isang lider sa kanilang mga tindig.
Sa kanilang mga pakulo, walang kaugnayan ang mga ginagawa nila sa magandang pamumuno.
Araw nga ng kanilang kampanya ay mayroon akong nakitang nakasuot ng mataas na takong sa halip na ang suot ay itim na sapatos, sa isang partido.
Kaya noong araw ng Press Conference, at ako bilang isang manunulat ng paaralan, hindi ko pinalampas na ibato ang kahihiyang ito sa kanila.
“How assured are you that your rules and regulations particularly the proper attire of students, will be followed by the students religiously if you running SSG’s weren’t able initiating your own rule? ‘Cause based on students in one class that you have conducted your campaign, they saw a guy wearing high heels instead of wearing black shoes.”
Ito ang tanong na ibinato ko sa kanila na siyang ikinagulat nang lahat at kanilang itong hindi nasagot.
Patunay ito na hindi lahat ng tumatakbo upang mamuno ay karapat-dapat. Simpleng tanong pa nga lamang ay kanila nang hindi masagot na bumali sa kasabihang “A leader must be versatile.”

‘Yung iba eh pafamous lang kaya gustong tumakbo bilang isang lider. Kaya patuloy kong hiling ay mahalal ang mga karapat-dapat, mamuno ang dapat mamuno na kayang ibigay ang buong puso at maging isang mabuting halimbawa sa bawat mag-aaral kung sino man ang mahahalal.