Ang Rizal Day
ay ang paggunita o pag-aalaala sa kamatayan ng bayaning si Jose Rizal, noong Disyembre
30, 1896 sa Bagumbayan o mas kilala ngayon na Rizal Park. Itinalaga ang araw na
ito bilang Philippine National Holiday.
Nakakalungkot lang isipin dahil base sa ulat
ng 24 oras, nang sila’y mag survey kung ano nga ba ang mayroon sa araw na ito,
halos karamihan sa kanilang sagot ay
kaarawan daw ito ni Rizal. Marahil ang iba sa mga ito’y hindi nakapag aral,
ngunit ang iba naman ay mga highschool students na tila sinasayang ang kanilang
pagpasok sa paaralan, dahil sa hindi rin nila alam na araw ito nang kamatayan
ni Rizal.
Ako bilang
estudyante, upang matanaw ko ang utang na ito kay Rizal dahil sa pagbubuwis
niya ng kanyang buhay upang makamit nating mga Pilpino ang kalayaan na hanggang
ngayon ay ating tinatamasa, patuloy kong itatak sa aking puso’t isipan na siya
ay isang bayani.
No comments:
Post a Comment