Maagang kaming gumising ng aking pamilya, siniulan naming ang
araw sa paglilinis upang sa pagsalubong ng kapaskuhan ay malinis ang aming bahay.
Nagwalis, nag hugas ng pinggan, nag buhat ng mga gamit upang
ilipat ng puwesto, mga bagay na siya naming ikinapagod ko. Laban parin!
Kailangan pang tumulong sa pagluluto ng mga handa.
Gabi na nang matapos kami sa paglilinis, nagtatalo-talo ang
aking pamilya kung ano ang uunahin, mag simba o mag luto nang handa? Kung kami’y
magsisimba, Tiyak na sa darating na Noche Buena ay wala kaming kakainin, kapag
naman inuna ang pagluluto, aba para naming hindi naming naalala ang
kapanganakan ng Panginoon.
Ngunit sa mga pagtatalong iyon, nauwi parin kaming manatili
sa bahay at magluto ng mga pagkain, napag desisyunan na lamang namin na
kinabukasan nalang mag simba tutal eh pasko pa naman noon.
Ayun! Naging masaya naman ang aming Noche Buena, maraming
pagkain at ang bawat isa ay nabusog. Napakasaya rin dahil mayroon akong
natanggap na regalo, kahit ganito ako eh may nagmamahal pala sa akin xD At
kahit na hindi lahat nang nasa wish list o gusto kong matanggap ay natanggap
ko, okey lang dahil alam kong imposible ang mga yun.
No comments:
Post a Comment