Haaaaay!!! Sabadong kaypagod. Yung
akala kong makakapag pahinga na ako? Aktibidad sa Redcross at pagkatapos at
mayroong pagpupulong sa Stentor upang tapusin na ang dyaryo na inabot na ng
halos gabi. Ayun! Gumising ako ng umaga ng masakit ang ulo dahil sa pagod at
puyat. Napuyat ako dahil mayroon akong contest na sinalihan noong biyernes na
inabot ng gabi at sa kasamaang palad ay hindi ko naiuwi ang titulo sa panglawang pagkakataon ng aking pagsali. Pero pinilit ko pa rin na bumangon upang gampanan ang aking
tungkulin sa paaralan.
Nagsimula ang programang Global
walk ng umaga at sa kasamaang palad at ay hindi naming nasimulan ang paglalakad
dahil huli nang dumating an gaming service, ang bus-surahan. HAHAHA. Masaya naman ang programang ito lalo na ang
zumba dahil ito ang aking unang beses na makalahok sa ganitong sayaw. Sobra
akong natuwadahil masarap palang sumayaw kahit na hindi ka marunong.
Nang natapos na ang programa, siya naming
diretso sa paaralan kasama ang mga piling kamag-aral upang tumulong sa
pagtatapos ng aming jaryo na halos hindi pa nangangalahati. Buti nalang ay marami
ang tumutulong sa amig mga alumni na dati ring kabilang sa grupo ng pahayagan.
Linggo, Masaya naman ang paggsing
ko ng araw na ito at wala na akong masyadong iniisip dahil kaunti lamang an
gaming ga takdang aralin. Iniisip ko na lamang sa sana’y ganito na lamang ang
aking araw-araw na buhay. Aral, gawa ng KAUNTING takdang-aralin, tulog,
pahinga, kain. Ngunit ito yata’y napaka imposible dahil pagdating ng Lunes
hanggang biyernes ay magsisimula na naman ang sakit ng aking ulo sa dami ng
dapat gawin.
No comments:
Post a Comment