Sa pagtungtong ko sa ganitong edad,
15. Hindi man lang ako naging aktibo sa simbahan. Oo nagsisimba ako, pero dahil
lamang ay pagkatapos ay gagala kami o pupunta kung saan man.
Lumaki akong hindi palasimba dahil
kahit ang aking pamilya ay hindi rin naman aktibo sa simbahan. Nagsisimba lamang
ako kapag ako’y sinasama ng aking mga tiya na siya naming aktibo sa simbahan at
halos wala yatang linggong lumilipas na hindi siya nakakadalaw roon.
Patungkol sa kanyang mga pangako,
siyempre ako’y umaasa. Ngunit ito’y hindi basta basta. Una ay kailangan mo ring
sundin ang mga utos niya sapagkat hindi mo masasabing nasa panginoon ka kung
hindi mo naman nagagawang sundin ang mga bagay na iniutos niya.
Ang kanyang mga pangako ay totoo at
walang sinuman ang pwedeng makasira nito dahil sabi nga sa bibliya, ang
panginoon lamang ang pinaka makapangyarihan sa lahat.
Ako’y patuloy na mananampalataya sa
kanya dahil ito lamang base sa bibliya ang paraan upang makasama mo ang
Panginoon. Sa aking pananampalataya, nasunod ko na rin ang kanyang utos at
dahil doo’y maaari kong matanggap ang kanyang pangako.
No comments:
Post a Comment