Sa aking pagbabasa nito, ako’y
nagkamali sa interpretasiyon patungkol sa mga banga. Akala ko’y ang bangang
gawa sa porselana’y sumisimbulo sa mga mayayaman at bangang gawa sa lupa para
sa mga mahihirap. Naintindihan ko lamang ang totoong kahulugan nito ng aming talakayin
sa klase. Ako’y hindi makapaniwala dahil sa lalim ng ibig sabihin nito.
Nang ito’y talakayin n gaming guro,
nalaman ko na ang bangang gawa sa porselana pala ay sumisimbulo sa ma
kalalakihan; bangang gawa sa lupa naman para sa mga kalalakihan.
Natutunan ko na ang mga kababaihan
ay dapat magkaroon ng limitasyon. Sa panahon ngayon ay napakarami nang menor de
edad ang nabubuntis. Patunay na ang bangang gawa sa lupa na sa kanila’y
sumisimbulo ay malambot di tulad ng mga kalalakihan na sumisimbulo sa bangang
porselana na isang bangang matibay, at hindi mararanasan ang paghihirap na
kakaharapin ng kababaihan kapag sila’y nasa kalagayan ng pagbubuntis ng maaga.
Sa aking realisasyon, natutunan ko
na dapat tayong sumunod sa pao n gating mga magulang. Sila’y marami nang narating
at naranasan kaya mas nalalaman nila kung ano ang nakabubuti sa atin, mga anak.
No comments:
Post a Comment