Monday, January 25, 2016

Sabado at Linggo (Enero 23-24, 2016)


Natulog. Natulog. Natulog. Napaka productive naman ng araw kong ito. Ahahaha. Natulog lang ako maghapon ng Sabado. Ewan ko ba, parang ang bigat bigat ng katawan ko na ‘tila ayaw umalis sa pagkakahimlay ang aking matamlay na katawan sa malambot at ma-preskong higaan.
Gumising ng 9:00 am, naligo ako pagka bangon. Kumain, natulog ng 12:00 pm, nagising ng 4:00 pm, naf Facebook lang saglit, tapos natulog ulit. Ayun! Sobrang nakaka antok talaga at nakakatamad. Hanggang kinabukasan na ako nagising.
Linggo na, at dating gawi. Nagka yayaan na naman gumala kasama ang aking mga kamag-aral. Pero may kabuluhan naman ang aming paglalakwatsa ngayon. Bumili na rin kami ng mga kagamitan namin para sa proyekto sa TLE. Nag Quantum muna kami, at ayun butas na naman ang bulsa.
Mag gagabi na nang kami’y makauwi. At as always, maghahabol ng mga takdang aralin. Pero tinamad ulit ako at sabi ko ‘Bukas nalang, AP at TLE lang naman ang asignatura kinabukasan.

Haay nako. Bakit ba nag eexist ang ‘Katamaran’? Nakakainis na rin. Napakaraming naapektuhan. Pero wala eh. Ahahaha. Ganun talaga. 

Sunday, January 17, 2016

Takdang Aralin

1.    Bilang isang kabataan, paano mo mapahahalagahan ang mga kadakilaan at mga nagawa ni Rizal para sa ating bansa?

=> Sa aking palagay, mabibigyang halaga ko ito sa pagsasabuhay ng mga aral at prinsipiyong ibinahagi niya sa pamamagitan ng kanyang mga sulatin katulad ng nobelang Noli Me Tangere na kung ito’y iyopng babasahin ay marami ka talagang mapupulot na aral.


2.    Paano mapahahalagahan o magagamit sa kasalukuyang panahon ang mga aral at prinsipiyong isinatitik ni Rizal sa Nobelang ito?


=> Sa aking palagay ay aking magagamit ang mga ito sa aking buhay sa pamamagitan pagpapakita sa ibang tao na mayroon talaga akong natutunan, kikilos ako bilang isang mtalinong tao na may paninidigan at prinsipyo. Halimbawa ang pripsipyo ni Rizal na ‘Kabataan ang Pag-Asa ng Bayan.’ Sa pagsasabuhay nito, bilang istudyante pa lamang ay mag-aaral ako ng mas mabuti upang sa gayon ay sa baling araw makatulong rin ako sa aking bayan.

Sabado at Linggo (Enero 16-17, 2016)

Nakakatamad bumangon! Nakakainis pero kailangan pumunta sa paaralan para sumuporta sa mga kaklase na kasali sa patimpalak para sa Math in Action 2016, ayun! Worth it ang pag putol ko ng aking mahimbing na tulog dahil naiuwi naman nila ang korona sa Jingle Making Contest na siyang ikinasaya ng bawat Isa sa aming pangkat, Antipolo.
Isa daw itong history dahil sa ilang beses na pagsali ng aming pangkat dito ay ang pinaka mataas na lebel sa unang pangkat ang laging nakakakuha ng titulo kaya nang i-anunsyo ang panalo ay halos mabingi kami sa lakas ng tibok ng aming puso dahil ang bawat isa’y nagulat.
Ayun! Masaya ako para sa kanila dahil pangalan ng aming pangkat ang kanilang dinadala.
Nang uwian na ay pumunta muna ako ng SM Masinag kasama ang aking kamag-aral na si Maureen, bumili lang kami doon ng Zagu dahil natripan lang naming at Planner dahil alam naming magagamit naming ito sa aming pag-aaral lalo na kapag kami ay tumungtong na sa ika-sampung baitang.
 Pagabi na nang kami’y makauwi at as usual gawa gawa muna ng mga takdang aralin, napagod, nag pahinga, at natulog na.
Tanghali naman na ako nagising ng Linggo, gumamit lang ako ng Cellphone mag hapon, nag surfing at pagkatapos ay pumunta muna sa simbahan upang magpasalamat sa Panginoon.

Noong gabi na ay gumawa muna ako ng mga takdang aralin at natulog narin upang maaga akong magising kinabukasan at hindi mahuli sa klase.

Sunday, January 10, 2016

Sabado at Linggo (Enero 09-10, 2016)

Sa aking paggising sa umaga ng Sabado, masaya naman dahil ito'y aking kaarawan at marami na namang pagkain. Natulog muna ako at hapon na nang ako'y nagising. Aba! Walang tao sa bahay. Nalungkot ako siyempre, kaarawan ko tapos wala ang aking pamilya? Ayun! natulog nalang ulit ako. Tapos gabi na nang ako'y nagising. Umalis pala sila. At ayun nakahain na ang mga pagkain. Ginigising na nila ako dahil mayroon nang bisita pero dahil sa aking pride, hindi ako bumangon. Nagtatampo kasi ako dahil nakalimutan na nila 'yung pangako nilang kami'y mag-gagala noong araw na 'yon. Aba! Siyempre ako itong si ma pride, hindi talaga ako umalis sa kwarto ko at nagkulong lang ako doon. Hanggang nakatulog nalang sila sa paglalambing sa akin sa paghingi ng tawad. Ito na yata ang pinaka malungkot na kaarawan ko, pero inintindi ko na lamang sila dahil sa kanilang trabaho, kundi naman dahil doon ay hindi ako mabubuhay. Ayun! Hating gabi nang mapansin kong sila'y mga tulog na, bumangon ako at kumain, gutom na gutom a ako noon siyempre, maghapon ba naman ang nasa kwarto at mula umaga'y hindi pa ako kumakain. Pagkatapos ko kumain, natulog na rin ako.
Kinabukasan, Linggo, ginising ako ng maaga ng aking pamilya upang tuparin ang kanilang pangako ngunit sabi ko'y sasusunod na lamang kami umalis dahil kailangan kong mag review para sa test kinabukasan kaya ayun, siyemrre kahit ano'ng pilit nila, ako pa rin ang nanaig. Whahahaha! Parte narin 'yun ng pagpapakita ko ng pagtatampo. Kaya ayun, todo suyo sila sa akin. Ahahaha! Pero okay na rin. Atleast hindi nila nakalimutan ang aking kaarawan. At masaya pa rin ako dahil dinagdagan pa ng Panginoon ang aking buhay ng isang taon Whahahaha!

Stripe and Yellow

Ang The Adventures of Stripe and Yellow ay isang Stage play na inihandog ng Thespian Guild sa paggunita sa English Month.

Sa aking na aking napanood, ako'y nagalak at natuwa dahil sa mga aral na aking napulot isa na dito ang pagpapahala sa sariling kakayahan. Napaka ganda nito dahil na rin sa kanilang makukulay at creative sa props. Napaka gagaling ng mga aktor na gumanap, bagay na bagay sa kanila ang kani-kanilang inpiniprisentang katauhan. Magalung silang mag bitaw ng mga salita na sita namang naka pukaw ng aking atensiyon ang ganda ng kanilang accent. Ngunit nasayang ang kanilang mga boses dahil sa technicals na siya naman naging dahilan upang ako'y maburyo at minsa'y hindi na maintindihan ang kanilang sinasabi.
Sa kabuuan, maganda naman ang kanilang ipinamalas na talento ngunit hindi ko gusto ang tema dahil ito'y masyadong pambata.

Saturday, January 2, 2016

New Year’s Resolutions


Photo credit: www.englishclub.com
1. Magpapakabait na-Nakakapagod din kasi gumawa ng mga kalokohan.
2. Kakain sa tamang oras-Ampayat ko na daw kasi, nakakalimutan ko na kaing kumain minsan.
3. Mag-aaral na akong mabuti-Ayokong bumagsak ang mga grado ko, nakakahiya.
4. Hindi na sasagot sa magulang-Gusto ko makasama ang Panginoon.
5. Hindi na ako magpupuyat-Para hindi ako tulog palagi sa klase.

Hindi ko alam kung masusunod ko ang lahat nang ito pero susubukan ko parin. There’s no harm in trying ;)

New Year's Eve

Putok dito, putok diyan. Nakaka irita at nakakarindi na ang sunod-sunod na putukan! Ang ingay-ingay. Ayoko sa ahat ‘yung maingay, nakakainis.
Pero wala naman akong magagawa dahil Bagong Taon at ito’y isang pang mundo at malaking pagdiriwang.
Natulog lang ako, pagkagising ko alas dose na at sobrang ingay, inis na inis ako nang mga oras na iyon.  Masayang nagsisigawa ang aking pmilya habang pilit nilang ginigising ang aking nahihimlay na katawan sa kama. Antok na antok nang mga panahong iyo kaya hindi ko man lamang naramdaman ang pagpasok ng bagong taon, pero ayos na din at wala naman akong pakialam , masaya naman ako dahil maraming pagkain at napuno na naman ang aking tiyan ng ibat-ibang pagkain.

Naging masaya naman ang aking pamilya sa naganap na pagdiriwang at bakas ito sa kanilang mga mukha. 

Rizal Day

Photo credit: www.filipinostarnews.net
Ang Rizal Day ay ang paggunita o pag-aalaala sa kamatayan ng bayaning si Jose Rizal, noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan o mas kilala ngayon na Rizal Park. Itinalaga ang araw na ito bilang Philippine National Holiday.
 Nakakalungkot lang isipin dahil base sa ulat ng 24 oras, nang sila’y mag survey kung ano nga ba ang mayroon sa araw na ito, halos karamihan sa kanilang  sagot ay kaarawan daw ito ni Rizal. Marahil ang iba sa mga ito’y hindi nakapag aral, ngunit ang iba naman ay mga highschool students na tila sinasayang ang kanilang pagpasok sa paaralan, dahil sa hindi rin nila alam na araw ito nang kamatayan ni Rizal.
Ako bilang estudyante, upang matanaw ko ang utang na ito kay Rizal dahil sa pagbubuwis niya ng kanyang buhay upang makamit nating mga Pilpino ang kalayaan na hanggang ngayon ay ating tinatamasa, patuloy kong itatak sa aking puso’t isipan na siya ay isang bayani.