Umagang kay-saya. Bakit kaya ang saya ko? Dahil ba fieldtrip
na bukas? Excited yata ako masyado. Basta gumisng ako ng masaya at maghapon ay
gumamit lamang ako ng computer na siyang nakapuno ng aking araw dahil kaunti
lamang ang mga takdang aralin namin.
Dumating ang gabi, hating-gabi, madaling araw, aba! Tila hindi
yata ako inaantok? Excited nga yata ako para sa educational tour na gaganapin
sa Linggo, kinabukasan.
Ayun! Napuyat ako at dumating na nga ang araw ng Linggo,
masaya ko itong hinarap. Tumungo sa paaralan, nag-antay, at ayun! Nagsimula na
nga ang pinaka hihintay ko. Ang
malungkot lang ay puyat ako at hindi ko yata maeenjoy ang araw dahil sa antok.
Pero nang kami’y magtungo na sa iba-ibang lugar kasama ang aking mga kamag-aral
ay tila nawawala ang aking antok at napapalitan ng sigla dahil sa labis na
kaliayahan.
Ito na ata ang pinaka masaya na may halong inis na araw sa
buhay ko. Sobrang saya ko dahil sa aking mga kamag-aral na silang nagbibigay
aliw sa bawat isa, nainis naman ako dahil sa pagsakay ko sa isang ride sa
enchanted kingdom na ang pangalan ay space shuttle, isang parang roller coaster
na pagbabali-baliktarin ang iyong katawan habang nakasakay ka doon. Ako ay may
takot sa mga ganitong uri ng rides ngunit ito’y ‘di umubra nang ang aking mga
kamag-aral ay mag pumilit na isama ako sa kanilang pagsakay dito. Pumila ng
matagal, nag-antay, nainitan, nainis dahil may mga sumisingit sa pila, at
pagkatapos ay makakasakay na kami.
Waaaaah!!!! Mga sigaw na tila hindi lumalabas sa aking bibig,
kabang nakatago, pigil na iyak na lamang ang aking mga nagawa nang magsimula
kaming sumakay dito. Tila’y magtatanggalan ang aking mga internal organs habang
kami’y pinapa ikot-ikot nito. Nakaka inis sobra! Hindi ko na uulitin pang
sumakay dito, tama na sigur ang isang beses. Pero masaya parin ako dahil
naranasan ko ang bagay na aking kinakatakutan.
Gabi na nang kami’y makuwi, ang katawan ko naman ay sobrang
pagod at tila’y babagsak nalang kung saan. Kaya nang ako’y makauwi, humiga agad
ako, nagpahinga, at natulog upang magkaroon ng lakas upang harapi muli ang araw
kinabukasan.
No comments:
Post a Comment