Hi, I'm Kevin! ^-^ Since you are viewing it, prepare to be tantalized. The caged thoughts, opinions and experiences of mine are expressed here. ^-^
Friday, July 31, 2015
Ang Alamat ni Juan Tamad
Photo Credit to Rose Jarvis
Ang Alamat ay isang palabas na inilathala ng GMA 7 nito lang Hulyo, ang palabas na ito ay ang kauna-unahang cartoon na nagmula dito sa Pilipinas. Ginawa ito upang maipakita ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Base naman sa aking napanood noong Hulyo 19,2015, ang Alamat ay tungkol sa Alamat ni Juan Tamad. Sa palabas na ito ipinapakita na hindi magandang ugaliin natin ang pagiging tamad. “Ang walang ginagawa ay walang mapapala.” Isang kataga na nagmula kay Maria para kay Juan Tamad. Natutunan ko sa mga salitang ito na ang lahat ng bagay ay pinaghihirapan bago mo makamit ito at dapat ay mayroong sipag at tiyaga.Dito rin nabago ang pananaw ni Juan Tamad na mali ang kanyang ginagawa at dahil sa mga ito sumasama ang pakiramdam ng kanyang ina sa kanyang ginagawa at dahil narin sa mahal nya si Maria Masipag nagawa nyang sya ay magbago. Mula sa pagiging Juan Tamad, ito ay naging Juan Tama.
No comments:
Post a Comment