Masaya akong gumising ng Sabado ng umaga, walang pasok at tanging mga takdang aralin lamang ang aking gagawin at akoy makakapag pahinga, ang tanging iniisip ko nang biglang… “Kring! Kring! May Meeting sa Mapeh!!!” Tumunog ang aking reminder sa cellphone. At ayun! Nagmadali akong maligo, magbihis at kumain upang tumungo na sa aming napag usapang lugar.
Ala-una ng hapon nang natapos ang aming pangkatang gawain, inaya ako ng isa akong kamag-aral na samahan ko daw siya pumunta sa mall dahil mayroon daw syang kailangang bilhin. Alas kwatro nang hapon ng kami’y nakauwi. Pagdating sa bahay ay nagpahinga ako, kumain, gumamit ng computer upang gawin ang mga takdang aralin at gabi na ng ako’y matapos. Nagpahinga sandali, gumawa ng mga ingay kasama ang aking pamilya habang nanonood ng telebisyon hanggang sa ‘diko namalayan ay nakatulog na pala ako.
Nang gumising ako ay araw na ng Linggo, panibagong araw na naman ngunit tanghali na ako nagising dahilan at hindi ako nakapag simba kaya malungkot ako ng araw na ito. Sinabi ko na lamang sa sarili ko na “Ok lang, tatapusin ko na lamang ang lahat ng aking mga takdang aralin”. Pagkatapos ng mga ito, tanghali na. “Matutulog ako para naman mabawi ko yung isang linggong araw-araw puyat” Nakatulog na ako nang biglang may gumising sa akin, ang aking Ina, nagpapasama sa Taytay upang mamili ng mga gamit kaya agad akong bumangon at siya’y sinamahan. Gabi na nang kami’y makabalik. Natulog na nang maaga upang harapin muli ang nakakapagod na Lunes kinabukasan.
Nalungkot ako ng husto dahil ang layunin ko kapag Sabado at Linggo ay matulog upang mabawi ko naman ang Isang Linggong puyat araw-araw ngunit hindi ako nagtatagumpay dahil sa mga bagay na hindi pumapabor sa akin. Pero ipinag-papa-salamat ko pa rin ito dahil patuloy akong nabubuhay at napapagod ako sa aking mga ginagawa kaysa maubos ang aking oras nang hindi ako nagiging produktibo.
No comments:
Post a Comment