Ito ang isa sa aking mga paboritong kanta na nilikha ni Paul
Baloche na isang American Christian Artist.
Ito ay isang kantang papuri para sa Diyos. Nagbibigay kaalaman ito patungkol sa
mga mabubuting bagay na ginagawa ng Panginoon para sa atin; ipinapakilala kung
gaano kadakila ang Panginoon sa mga bagay na kanyang ginagawa; Nagbibigay
kaalaman kung gaano tayo kamahal ng Panginoon , ibinuwis n’ya ang kanyang
sariling buhay para tayo na makasalanan ay matubos sa kamatayan at magkaroon ng
buhay na walang hanggan kasama siya kahit na tayo’y hindi kalugod-lugod sa kanyang
harapan at ganoon na lamang kung gumawa tayo ng kasalanan at hindi natin sundin
ang kanyang mga pangaral.
Malaki ang naitutulong ng kantang ito para sa akin. Dahil dito
ay nagkakaroon ako ng gabay sa tuwing ako ay nagdarasal. Ipinag-papasalamat ko
ang kanyang pag-alay ng sariling buhay para sa atin. Natutunan ko rin dito kung
paano pahalagahan ang mga bagay at ipagpasalamat ito maliit man o malaki.
No comments:
Post a Comment