Napaka dami kong gustong gawin ngayong sembreak dahil kahit
papaano ay makakapag pahinga ako sa mga tambak sa Gawain sa paaralan ngunit ang
lahat nang ito yata ay imposibleng mangyari dahil kailangan ko paring pumunta
sa paaralan upang bumuo ng Diyaryo ng paaralan.
Ito ang aking mga gustong gawin kahit na alm kong imposible:
- Matulog-Nais kong bumawi ng tulog dahil kapag weekdays, halos gabi-gabi akong puyat at wala halos tulog dahil sa mga gawaing kailangang tapusin.
- Kumain ng marami-Dahil sa dami nang aking ginagawa, halos isang beses na lamang akong kumakain sa isang araw.
- Gumala-Gusto kong mag-gala kung saaan-saan upang mabawasan ang aking stress
- Mag-aral ng Lay-out-Nais kong mag-aral ng lay-out dahil sa November ay magkakaroon ng TLE Festival of Talents na may kategoryang Tarpaulin Design kung saan ako ang ipinanglaban ng paaralan noong 2014 ngunit hindi pinalad dahil ako’y hindi ganoon kahanda. Kaya nais kong paghandaan ang taong ito kahit na hindi ako sigurado kung ako parin ang kukunin nila bilang panlaban.
- Maglinis ng bahay-Nais kong linisan an gaming bahay na tila isang taon nang hindi tinitirahan, napakarumi nito. Gusto kong linisan ito upang makatulong naman ako sa bahay dahuil halos ara-araw ay wala na akong naitutulong sa gawaing bahay dahil sa tambak ng takdang-aralin.
- Manood ng pelikula-Hilig ko ang panonood ng pelikula kaya nais ko itong gawin ngyaong sembreak dahil hindi ko ito magawa kapag weekdays.
- Mag-aral ng grammar-Nais ko pang mapalawak ang aking nalalaman patungkol sa wikang ingles dahil isa ako sa manunulat ng ingles na pahayagan ng paaralan.
- Mag laro ng Outdoor-games-Gusto kong makipag laro sa aking mga nakababatang pinsan.
- Mag-jogging-Nais kong pumunta sa Marikina Sports Center at mag jogging kasama ang aking mga kaibigan, isa na rin itong paraan upang makasama ko sila na hindi ko nagagawa dahil halos maghapon ako sa paaralan.
- Mag bonding kasama ang pamilya-Dahil hindi ko na sila nabibigyan ng panahon kapag may pasok, nais ko naman silang makasama ngayong sembreak.
No comments:
Post a Comment