Galingan mo! Kaya mo’yan! Ilan lang yan sa mga salitang
nanggagaling sa kanya na nagiging ispirasyon para sa aming mga studyante niya.
Ito si Sir Fernando P. Timbal, isa sa aking mga naging
Adviser ko ngayong Sekondarya. Grade 7
pa lamang ako ay marami na akong naririnig na mga negatibong katangian niya, napakaraming
takot, nahihiya, at naiiinis sa kanya dahil ito raw ay masungit, mataray, kaya
natatakot na ako noon na maging isa siya sa mga guro namin at adviser pa. Ngunit wala akong magagawa. Dumating ang Ikawalong
baitang at siya nga ay naging adviser namin. At doon napatunayan ko na totoo
pala ang mga iyon kapag ganun din ang mga stuidyante. Napakabait niya, napaka
supportive at sa kanya lamang kami natutong lumaban at magkaroon ng self
confidence. Ang pangkat kasi naming, 8-Aristotle ay puno ng mga napaka hiyaing
mag-aaral at walang pakialam sa paligid. Wala kaming lakas ng loob na sumali sa
mga organisasyon sa paaralan dahil ang ilan sa amin ay mababa ang tingin sa
sarili at isa na ako doon, ngunit ang lahat ng ito’y binago niya. Ngayon,
taas-noo na kaming humaharap sa tao ng may dignidad, lakas ng loob at tiwala sa
sarili dahil ang lahat ng ito’y natutunan naming sa kanya. Kaya mahal na mahal
ko siya at malaki ang pasasalamat ko sa kanya.
No comments:
Post a Comment