Ang Dagling ito ay pawang kalokohan lamang. Hahaha! Takdang
aralin lamang sa aming Filipino10 class, kaya ko ito nagawa. Hindi ito hango sa
totoong buhay :P
Gantimbayad na Sorpresa!
Ni Jan Kevin
T. Mendoza
Magandang araw. Laki ako sa mayaman pero magulong pamilya. Hindi ako
nakapagtapos nang pag-aaral dahil loko-loko at wala akong paki dito. Maagang
dumating ang panahong kailangang magbanat ng buto sa araw-araw. Oo sobrang bata
ko pa nga para magkaroon ng pamilya.
Sa tuwing Sabado na pag uwi ko galing trabaho, bitbit ko ang
pasalubong para sa’king mga anak. Lubos ang kanilang galak dahil sa munting
sorpresa kong ito.
Ginagawa ko ito kahit na hindi
sapat ang kita. Dahil alam kong ito lamang ang magpapasaya sa kanila at nais
kong hindi nila maramdamang iba sila sa mga batang nakakasalamuha nila. Ayaw
kong maramdaman nilang mahirap lang kami.
Isang araw, may isang kaibigan ang
nag alok sa akin ng trabaho abroad. Malaki daw ang sahod kaya’t hindi na’ko
nagdalawang isip. Siyempre sinunggaban ko agad ang biyayang ito. Ayaw man ng
aking mga anak eh kailangang tiisin upang masuntentuhan ko sila. Upang maipag
patuloy ko ang sorpresang inaabangan nila tuwing Sabado.
Makalipas ang dalawang taong
pamamalagi at pagtatrabaho sa Iran, dumating narin ang araw na makikita kong
muli ang aking asawa at mga anak. Sobrang excited ako siyempre.
Nakaipon narin ako nang pera na makakatulong sa pang-araw-araw namin.
Hindi ko sinabi na uuwi na ako.
Gusto ko kasi silang magulat na lamang. Magulat na muli na kaming magkakasama
at tapos na ang dalawang taong kalbaryo. Gusto ko silang sorpresahin muli.
Sobrang excited ako. Bitbit ang mga
pasalubong at laruan para sa aking mag-iina, binulabog ko ang himbing na tulog
nila.
Ang madaling araw ay napuno nang
malalakas at masasayang tawanan. Ang dami nilang kwento. Ang daming kwento nang
aking mga anak. Gayun din naman ako. Sobra talaga naming na-missed ang
isa’t isa.
Isa sa mga kwentong ito ang malaman
kong patay na ang aming ilaw ng tahanan. Kaya pala wala siya sa bahay. Halos
mabingi ako nang malaman ko ‘to. Hindi ko alam kung ano’ng magiging reaksyon ko
kung matutuwa ba magagalit, o maiinis. Sa pag-uwi ko galing abroad, ako pala
ang masosorpresa. Pero wala na nga akong magagawa. Patay na siya. Patay na ang
aking ina. Ang ina kong sumira ng aking pagkabata.
Sana’y maging matatag ka parin,
aking kaibigan sa kabila ng matinding agos, alab, dampi at dagok ng buhay mo.