Ang pagpapahayag ng damdamin ay ang
pagsisiwalat ng laman ng puso. Ito ay ang nadarama hinggil sa mga sitwasyon at
tao. Dito’y nakikita rin ang panloob na pagkatao ng isang tao. Maaari mong
malaman kung ano ang ugali ng isang tao base sa kanyang paraan ng pagpapahayag
ng damdamin.
Ang damdamin ay bahagi ng buhay ng
tao. Sa pagpapahayag nito ay napakaraming mga bagay ang dapat isaalang-alang
upang hindi maka sakit ng iba. Isa sa mga ito ay ang taong kakausapin mo. Iba’t-iba
ang pananaw ng tao, iba’t-ibang paraan kung pano sila umunawa ng mga bagay at
iba-iba ang pag iisip ng tao. Mayroong bukas ang isip, yung handang unawain at
magbago dahil sa mga bagay na ayaw sa kanya ng isang tao, at mayroong nagagalit
dahil sa mga negatibong ekspresyon ng tao sa kanila. Kaya’t sa pagpapahayag
nito’y dapat mag-ingat. Maaaring ipahayag ito sa mabuting paraan at huwag
gumamit ng mga salitang masama ang dating sa iba. Sabi nga ay, huwag mong gawin
sa iba ang ayaw mong gawin din sayo.
No comments:
Post a Comment