Ang hirap makahanap ng totoong
kaibigan.’ Yun bang, handa kang tulungan at makasama kung ano man ang iyong
dinadala, handa kang tanggapin kung anong ugali mo, tutulungan kang mag-bago
kung ano man ang hindi magandang ugali na iyong tinataglay, pakikinggan ang
lahat ng drama mo sa buhay. Mga ganung bagay ba?
Mabait. Tapat. Maaasahan. Mapag-kakatiwalaan.
Ito’y ilan sa mga katangian na gusto ko
sa isang kaibigan. Lahat tayo ay may kaibigan, gayun pa man hindi naman lahat
ito’y maaasahan at hindi naman lahat ng tiwala ay ibiniigay natin, kung minsan
pa nga ay ito pa ang nakakasira sa buhay ng isang tao bandang huli.
Ngayon, masasabi kong bilang lamang
sa kamay ang mga kaibigang mapagkakaiwalaan na mayroon ako. Yung iba, kaibigan
ka lang kapag may kailangan, yung iba pa nga ay kakaibiganin ka pa para lang
kunin ang loob mo at kilalanin, at bandang huli ka sisiraan dahil ito pala’y
may galit o naiinggit sa iyo.
Pero kahit ano pa man ang mangyari,
Masaya ako at may mga kaibigan ako na nagpapasaya, tinutulungan ako,
nakakaintind sa bawat drama ko, at yun bang nakakasama ko sa mga kalokohan.
Kaya ganoon ko nalang sila pahalagahan, bigyan ng importansya, at ilibre kung
sila’y maglambing dahil kapag sila’y nawala, sobrang hirap makahanap ng katulad
nila.